7 Mahalagang Hakbang para Mapanatiling Secure ang Iyong Crypto Wallet

7-essential-steps-to-keep-your-crypto-wallet-secure

Sa pagsulong sa teknolohiya, nagbago ang ating mundo para sa ikabubuti nito, pero nagdala ito ng dagdag na personal na responsibilidad na panatilihin ang ating online na seguridad. Ngayon, nakakaranas tayo ng patuloy na dumaraming pagtatangka ng phishing sa crypto kung saan sinusubukang i-scam ng masasamang loob ang mga inosente.

Iniisip mo ba kung ano ang pinakamahuhusay na kagawiang dapat sundin para maprotektahan ang iyong mga pinakaiingatang crypto currency asset? Tingnan natin dito kung paano manatiling ligtas at protektahan ang iyong mga pondo.

1. Magsimula sa Secure na Pundasyon para sa Iyong Wallet

Siguraduhin na walang malware ang iyong device at huwag na huwag i-install ang Trust Wallet sa rooted device. Para matiyak na lagi kang gumagamit ng tunay na bersyon ng Trust Wallet, dapat mo lang i-download ang App mula sa mga link na ibinigay sa aming website: trustwallet.com

2. Huwag na Huwag Ibabahagi ang Iyong Recovery Phrase o Pribadong Key Kahit Kanino

Secure lang ang mga pondo mo kung papanatilihin mong secure ang iyong recovery phrase, huwag na huwag mo itong ibabahagi kahit kanino. Napakahalatang panatilihin itong sikreto at secure para maprotektahan ang iyong wallet laban sa anumang hindi awtorisadong pag-access.

3. Magpanatili ng Kopya ng Iyong Recovery Phrase Offline

Laging magpanatili ng kopya ng iyong recovery phrase na naka-store offline! Ang pinakamadaling solusyon ay isulat ito sa isang pirasong papel. Kung gusto mo ng mas matibay sa papel, inirerekomenda naming tingnan mo ang CRYPTOTAG at ang kanilang mga produkto. Puwede rin ang naka-encrypt na text file, na naka-store sa loob ng USB drive. Sa tulong ng “Password Manager,” puwede kang mag-save ng digital na backup ng iyong recovery phrase (at anupamang password na pipiliin mo) sa isang naka-encrypt na file na puwede mong i-store sa isa - o sa maraming - USB drive.

4. Hatiin at Protektahan ang Iyong Mga Asset. Panatilihin Mong Cold, Panatilihin Mong Hot

Gumamit ng cold storage o mga hardware wallet para mag-store ng malalaking halaga ng iyong crypto at para sa iyong mga pang-araw-araw na pangangailangan at para sa mas maliliit na halaga, puwede kang gumamit ng mga hot wallet gaya ng Trust Wallet.

5. Isang Wallet, Isang Recovery Phrase

Huwag gamitin ang parehong recovery phrase para sa iba’t ibang wallet. Ang pinakamahusay na kagawian ay laging gumamit ng isang recovery phrase para sa isang wallet.

6. Walang Proseso ng Pag-reset o Pag-recover. Laging Magpanatili ng Backup

Laging tandaang magpanatili ng backup na kopya ng iyong recovery phrase. Kapag nasira, nanakaw, nawala ang iyong telepono, o hindi sinasadyang na-delete ang app, anumang oras ay puwedeng i-restore ang iyong wallet sa ibang telepono gamit ang recovery phrase. Walang proseso ng pag-reset o pag-recover; kapag nawala ang phrase mo, mawawala ang iyong mga pondo kasama nito!

7. Magdagdag ng mga Layer, I-enable ang Passcode o Touch/Face ID

Para matiyak na ikaw lang ang may access sa iyong Trust Wallet mobile app, siguraduhing magdagdag ng pangalawang layer ng authentication gaya ng Passcode o Touch/Face ID para ma-access ang iyong mga pondo sa Trust Wallet mo. Pipigilan nito ang pag-access ng sinumang masamang loob sa iyong wallet kung sakaling mawala mo ang iyong mobile device o maiwan mo lang ito sa mesa habang kumukuha ka ng kape. Narito ang isang gabay para sa iOS at Android.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino

1 Like