Ang Trust Wallet ay isang napakagandang opsyon para sa kahit sinong naghahanap ng one-stop shop pagdating sa mga crypto wallet. Mula sa pag-browse ng mga DApp hanggang sa pag-trade at pag-stake, madali at simpleng magkaroon ng access sa malawak na mundo ng crypto sa isang app lang. Para sa mga gustong magsimula sa Trust Wallet, magbasa para matutunan ang lahat ng kailangan mong malaman.
Ano ang Trust Wallet?
Ang Trust Wallet ay isa sa mga pinakasikat at pinaka-secure na crypto wallet na nag-aalok ng madali at all-in-one na karanasan para sa mga user nito. Gamit ang app, secure kang makakapag-store ng mahigit 9 na milyong crypto asset sa 70+ blockchain.
Inilunsad ang app noong 2017 bilang isang mobile wallet na sumusuporta sa mga Ethereum-based na ERC-20 token, at pinunan nito ang pagkukulang sa hindi pa natutugunang merkado ng mga crypto adopter na nagbibigay-priyoridad sa mobile. Gamit ang Trust Wallet, nagagawa na ngayon ng mga user na bumili, mag-store, at makipagpalitan ng mga nangungunang cryptocurrency at pamahalaan ang kanilang koleksyon ng mga non-fungible token (NFT) sa iisang app.
Sa pamamagitan ng Trust Wallet, kumikita rin ng crypto ang mga user gamit ang in-app na feature na pag-stake ng wallet, na nag-aalok ng mahigit kalahating dosenang crypto asset na may mga yield sa pag-stake na hanggang 11%.
Posible na ang pinaka-exciting na feature ng Trust Wallet ay ang mobile na DApp Browser. Nagbibigay ang browser ng tuloy-tuloy na mobile access sa mga decentralized application (DApp), protocol ng DeFi, at marketplace ng NFT sa 70+ blockchain.
Paano I-set Up ang Trust Wallet
Madali lang i-access ang Trust Wallet para sa mga user ng Android at iOS. Puwede mong i-install ang Trust Wallet sa maraming telepono o tablet nang walang anumang limitasyon sa pag-install. Libreng gamitin ang app at hindi ito nangangailangan ng subscription.
Higit pa rito, non-custodial ang Trust Wallet. Ibig sabihin nito, kumpleto ang kontrol mo sa iyong mga pondo at puwede mong ilipat, ideposito, o gamitin ang mga ito nang hindi nag-aalala na may ibang partido na may kustodiya nito. Bibigyan ka ng sarili mong Secret Phrase sa iyong wallet, na isang grupo ng 12 salita na nagsisilbing key. Ikaw at IKAW LANG ang dapat makakita at magkaroon ng access sa iyong Secret Phrase para matiyak na may ganap kang kontrol sa sarili mong crypto sa lahat ng pagkakataon - ito ang rurok ng desentralisasyon!
I-download ang Trust Wallet dito!
Gagabayan ka namin sa mga basic na hakbang kung paano mo mase-set up ang Trust Wallet ngayon.
- Hanapin ang Trust Wallet sa Apple Store o Play Store. Puwede ka ring pumunta sa website ng Trust Wallet para sa link sa kaugnay na store. Laging kumpirmahin na ang dina-download mo ay ang opisyal na app para matiyak ang kaligtasan ng iyong mga pondo.
- Buksan ang app at i-click ang [CREATE A NEW WALLET].
- Basahin at tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy. Pagkatapos ay i-click ang [CONTINUE].
-
Sa susunod na prompt, hihilingin sa iyong [Enter a Passcode]. Maglalagay ang passcode na ito ng dagdag na antas ng seguridad sa iyong wallet.
-
Pagkatapos, hihilingin sa iyong i-back up ang wallet mo. Gumagamit ang wallet ng Secret Phrase na may 12 salita na kailangan mong itala nang ligtas at itabi para lang sa iyong sarili.
Walang access ang Trust Wallet sa pariralang ito. Kung sakaling mawala mo ang iyong Secret Phrase o hindi mo i-back up ang iyong wallet, hindi ka matutulungan ng Trust Wallet team na i-access ang mga asset mo. Kaya naman mahalagang itala mo nang tama ang iyong Secret Phrase at itabi mo ito sa isang ligtas na lugar (halimbawa, isulat mo ito sa isang pirasong papel at ilagay mo ito sa isang safe).
- Pagkatapos ilagay ang iyong Secret Phrase na may 12 salita sa tamang pagkakasunod-sunod, na-set up mo na ang iyong wallet, at handa na itong magamit.
Ano ang Magagawa Mo sa Trust Wallet?
Tingnan natin ang ilan sa pinakamahuhusay na feature ng Trust Wallet: ang wallet, Discover (pag-stake at DeFi), at ang DApp Browser.
Secure na i-store at pamahalaan ang lahat ng iyong digital asset sa iisang lugar
Gaya ng nabanggit, ang mga user ng Trust Wallet ay puwedeng mag-store at mamahala ng 9+ milyong digital currency at asset, kasama na ang mga NFT, sa 70+ blockchain gamit ang Trust Wallet.
Dagdag pa rito, makakapag-store din ang mga user ng mga Ethereum, BNB Smart Chain, Polygon, at Solana-based na NFT. Dahil sa pagsasama-sama ng mga puntong ito, isa ang Trust Wallet sa mga pinakakomprehensibong mobile wallet na available para sa mga user.
Mag-swap ng Mga Token
Sa pag-integrate ng 1inch v4, makakapag-swap na ngayon ang mga user ng mga token sa 8 iba’t ibang blockchain sa Trust Wallet app mismo! Kasama sa mga chain ang Polygon, Arbitrum, Optimism Avalanche, xDai, Fantom, BSC, at ETH.
Bukod pa rito, dahil sa pag-integrate namin kamakailan sa THORChain, puwede ka nang mag-cross chain swap sa BTC, ETH, BNB(BEP2), at BUSD(BEP2) sa Trust Wallet mobile app mo mismo.
Makakuha ng mga reward sa pag-stake
Sa Trust Wallet, puwedeng makakuha ang mga user ng mga yield sa pag-stake sa ilang nangungunang digital asset, lahat sa app sa isang tap lang. Sa ngayon, sinusuportahan ng app ang pag-stake ng 10 crypto asset, pero mas marami pang token at coin ang regular na idinaragdag.
I-access ang merkado ng DeFi
Sa Trust Wallet, maa-access ng mga user ang pinakamabilis na lumalagong merkado ng DeFi at makakagamit sila ng maraming iba’t ibang pampinansyal na serbisyo. Nagbibigay ang Decentralized Finance (DeFi) sa mga indibidwal sa buong undo ng mga pagkakataong kumita ng crypto, mula sa pagbibigay ng liquidity sa mga desentralisadong pool ng pag-trade hanggang sa mga pautang at pag-farm ng yield.
Maayos na maikokonekta ng mga user ng Trust Wallet ang kanilang mga wallet sa mga paborito nilang produkto ng DeFi, gaya ng Aave, Compound, PancakeSwap, at Uniswap. Madaling nagagawa ang pagkonekta sa pamamagitan ng DApp Browser o gamit ang Wallet Connect. Ang WalletConnect ay isang open protocol para sa pagkonekta ng mga decentralized application sa mga mobile wallet gamit ang end-to-end na pag-encrypt. Sinisugurado ng protocol na maisasagawa mo ang iyong mga transaksyon nang hindi naglalabas ng anumang pribadong impormasyon habang nag-a-access ng mga DApp sa desktop o iba pang device.
Bumili, magbenta, mag-mint, at mag-store ng mga NFT
Ang mga Non-Fungible Token (NFT) ay mga natatanging digital asset na tumatakbo sa mga blockchain na nagbibigay sa mga may hawak ng patunay ng pagmamay-ari. Ang mga user ng Trust Wallet ay puwedeng bumili, magbenta, mag-mint, mag-trade, at mag-store ng mga NFT sa mobile app mismo. Sa ngayon, puwedeng mamahala ang mga user ng mga NFT na na-mint sa Ethereum at BNB Smart Chain. Malapit nang sumunod ang marami pang chain. Gamit ang DApp Browser, makakapag-access din ang mga user ng Trust Wallet ng mga marketplace ng NFT gaya ng OpenSea, para mangolekta ng mga NFT o magbenta ng mga sarili nilang gawa.
Maglaro ng mga blockchain game
Naging sikat na ang mga play-to-earn na blockchain game bilang pampalipas-oras para sa mga mahilig sa blockchain at gaming. Kung hindi ka pa nakakapaglaro nito at gusto mo itong subukan, madali at simple lang magsimulang maglaro gamit ang Trust Wallet. Puwedeng i-access at laruin ng mga user ang marami sa mga game na ito, kasama na ang Axie Infinity, Sorare, at Decentraland, sa mobile app mismo gamit ang DApp Browser.
Ano ang Trust Wallet Token (TWT)?
May sarili ring token na proyekto ang Trust Wallet na kilala bilang Trust Wallet Token (TWT).
“Ginawa ang TWT para ituro sa mga user ng Trust Wallet kung paano gumagana ang mga cryptocurrency at bigyan sila ng pagkakataong magmay-ari ng kanilang unang crypto na puwede nilang paglaruan.”
Dagdag pa rito, puwedeng bumoto ang mga may hawak ng TWT sa mga desisyon sa pamamahala sa Trust Wallet, halimbawa, kung suporta sa anong blockchain ang susunod na dapat idagdag. Gamit ang pangunahing mekanismong ito, mahuhubog ng komunidad ang hinaharap ng Trust Wallet.
Available ang TWT bilang BEP2 token sa BNB Beacon Chain at bilang BEP20 token sa BNB Smart Chain. Available din ang TWT bilang SPL token sa Solana.
Secure ba ang Trust Wallet?
Sa isang salita: oo! Secure ang Trust Wallet. Gumagamit ang mobile wallet ng mga panseguridad na hakbang na nangunguna sa industriya para matiyak na mananatiling ligtas ang mga pondo ng user sa lahat ng pagkakataon. Higit pa rito, open-source ang code ng wallet, ibig sabihin, ang code ay masusing nasuri ng mga developer sa buong mundo.
Pamahalaan ang Iyong Pananalapi sa Crypto sa Simpleng Paraan sa Trust Wallet
Posibleng isa sa pinakamalalaking hadlang para makapasok sa crypto ay ang pagkakumplikado nito. Puwedeng humantong sa magagastos na pagkakamali ang paggamit ng mga wallet, DApp, at smart contract sa unang pagkakataon. Sa solusyong tulad ng Trust Wallet, ang mga bago at dati nang user ay parehong puwedeng magkaroon ng mas simpleng paraan para i-access, pamahalaan, at gamitin ang mga hawak nilang crypto.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino