Hindi Mo Key, Hindi Mo Coin!
Pagdating sa pamumuhunan sa cryptocurrency, isa sa pinakamahahalagang bagay na dapat pag-isipan ay kung paano mo iso-store ang iyong mga coin o token. Para i-store ang iyong mga crypto asset, puwede kang mamili sa custodial wallet at non-custodial wallet. Sa madaling sabi, puwede mong piliing magkaroon ng kustodiya ng third-party sa iyong crypto, o puwede mong i-self custody ang iyong mga digital asset.
Magbasa pa para malaman kung ano ang self-custody at kung bakit napakahalaga nito para sa mga namumuhunan sa crypto.
Ano ba talaga ang Self-Custody?
Sa crypto, tumutukoy ang self-custody sa paghawak ng mga pribadong key sa iyong mga crypto asset sa halip na ipagkatiwala ang mga ito sa isang third party. Ang mga namumuhunan sa crypto na nagse-self custody ng kanilang mga coin at token ay may kumpletong kontrol sa kanilang mga pondo.
Kapag na-self custody mo ang iyong mga digital asset, responsibilidad mong panatilihin ang seguridad ng iyong crypto wallet. Ang ibig sabihin nito ay paggawa ng mga karagdagang hakbang para maprotektahan ang iyong mga pribadong key at pagiging alisto sa hindi pagbabahagi ng iyong mga key kahit kanino. Bagama’t kailangan mo ng dagdag na pagsisikap, nagbibigay sa iyo ang self-custody ng kapanatagan dahil alam mong ikaw lang ang may access sa iyong mga pondo.
Bukod pa sa pinaigting na seguridad, nagbibigay-daan sa iyo ang self-custody na magkaroon ng kumpletong kontrol sa mga crypto asset mo. Kapag ang kabaliktarang ruta ang tinahak mo at ipinagkatiwala mo ang iyong mga coin at token sa isang centralized exchange o custodial wallet, ipinapaubaya mo sa ibang tao ang kontrol sa iyong mga pondo.
Kung na-hack o malugi ang palitan o provider ng custodial wallet, wala ka masyadong magagawa para mabawi ang pera mo. Gayunpaman, kung ise-self custody mo ang iyong crypto, makakatiyak ka na walang makakagalaw sa iyong mga pondo nang walang pahintulot mo.
Bakit Mahalaga ang Self-Custody, Ngayon Higit Kailanman
Lumabas na ang mga sentralisadong palitan ng cryptocurrency ang go-to platform para sa pagbili at pag-trade ng crypto. Pero gaya ng nakikita natin sa mga kamakailang pangyayari, ang mga platform sa online na pag-trade ay madaling maapektuhan ng mga cyberattack, operational ero, at pagkabangkarote, na puwedeng humantong sa pagkawala ng mga pondo ng user.
Ang FTX bankruptcy scandal ay isang wake-up call para sa industriya ng cryptocurrency. Ipinakita nito na kahit ang mga pinakamalaki at pinakasikat na palitan ay hindi immune.
Binibigyang-diin din ng insidenteng ito ang kahalagahan ng self-custody para sa mga namumuhunan sa cryptocurrency. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng crypto sa mga personal at non-custodial wallet, gaya ng Trust Wallet, maiiwasan ng mga namumuhunan ang panganib na mawalan ng mga pondo dahil sa panloloko o pagnanakaw.
Higit pa rito, sa self-custody, may kumpletong kontrol ang mga namumuhunan sa kanilang mga digital asset at matitiyak nila na laging available ang kanilang mga pondo kapag kailangan nila ang mga ito.
Mahahalagang Aspekto ng Self-Custody
Pagdating sa self-custody, may dalawang mahalagang aspekto. Una, kailangan mong i-store ang iyong mga crypto asset sa non-custodial wallet, at pangalawa, kailangan mong siguraduhin na secure mong na-back up ang iyong wallet.
Gumamit ng non-custodial wallet
Ang non-custodial wallet gaya ng Trust Wallet ay isang wallet kung saan hawak ng user ang kanyang mga pribadong key, habang ang custodial wallet ay isang wallet kung saan ang mga pribadong key ay hinahawakan ng third party, gaya ng palitan. May dalawang pangunahing uri ng mga non-custodial wallet na puwede kang magkaroon: ang hot wallet at cold wallet.
Mga Hot Wallet
Ang mga hot wallet (o software wallet) ay mga crypto wallet na nakakonekta sa internet. Karamihan ng mga hot wallet ay mga program na dina-download at ini-install mo sa iyong computer o mobile device.
Ang pinakasikat na non-custodial hot wallet ay ang Trust Wallet, na puwede mong gamitin sa iyong mobile device o desktop.
Wala ka pa bang Trust Wallet…? I-download ang Trust Wallet sa mobile dito! 258 I-download ang Trust Wallet dito sa desktop!
Kumbinyente ang mga ganitong uri ng wallet dahil nagbibigay-daan ang mga ito sa iyo na i-access ang mga pondo mo kahit saan. Higit pa rito, karaniwang mas maraming feature ang mga hot wallet kaysa sa mga hardware wallet, gaya ng kakayahang humawak ng maraming crypto asset, mag-access ng mga decentralized application, at mag-trade nang direkta sa wallet sa desentralisadong paraan. Gayunpaman, itinuturing ang mga ito na hindi masyadong secure kaysa sa mga hardware wallet dahil nakakonekta ang mga ito sa internet.
Mga Cold Wallet
Ang mga cold wallet ay mga offline na crypto wallet na hindi nakakonekta sa internet, kaya naman sa pangkalahatan ay itinuturing itong mas secure.
Gayunpaman, hindi masyadong secure ang mga cold wallet dahil hindi mo madaling maa-access ang iyong mga pondo. Higit pa rito, hindi nag-aalok ang mga ito ng madaling access sa mga dApp at karaniwang hindi nagbibigay-daan sa iyo ng mga ito na mag-store ng maraming iba’t ibang asset, gaya ng mga NFT.
Ang pinakasikat na opsyon sa cold storage ay isang hardware wallet, na karaniwang nasa anyo ng device na mukhang USB stick. Sino-store ng device na ito ang iyong mga pribadong key at ang pinapayagan lang nito ay ang pagpapadala ng mga pinirmahang transaksyon mula rito.
Ang isa pang uri ng cold storage ay ang papel na wallet, na isa lang piraso ng papel kung saan naka-print ang iyong mga pampubliko at pribadong key. Secure ang mga papel na wallet kung maayos na naka-store ang mga ito (ibig sabihin, sa isang fireproof safe), pero talagang hindi kumbinyenteng gamitin ang mga ito at madaling maapektuhan ang mga ito ng pisikal na pinsala.
Secure na i-back up ang iyong wallet
Kapag na-self custody mo ang iyong crypto, responsibilidad mong panatilihing ligtas at secure ang iyong mga pribadong key. Ibig sabihin nito, kailangan mong gumawa ng mga hakbang para matiyak na hindi mawawala o mananakaw ang iyong mga key. Kaya naman, kailangan mong i-back up ang iyong wallet.
Ang paggawa ng backup ng iyong wallet ay isang simpleng proseso na magagawa sa loob lang ng ilang minuto. Kadalasan, ang kailangan lang dito ay magsulat ng recovery phrase na may 12 o 24 na salita na magagamit mo para magkaroon ulit ng access sa iyong wallet kung sakaling masira ang iyong phone, computer, o hardware device.
Mahalagang i-store ang recovery phrase ng iyong wallet sa isang secure na lokasyon at hinding-hindi dapat ito i-store sa iyong computer o sa cloud. Dagdag pa rito, dapat mo ring pag-isipang i-store ang iyong pisikal na backup sa maraming lokasyon para kung mawala o masira ang isa, may mga alternatibo ka na magagamit para i-restore ang iyong wallet.
Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para gumawa ng backup ng iyong wallet, mapapanatag ka dahil alam mong secure ang iyong mga asset.
Paano Mag-self Custody ng Crypto sa Trust Wallet
Ang Trust Wallet 25 ay ang nangungunang non-custodial crypto wallet na nagbibigay-daan sa iyong secure na mag-store ng mahigit 8 milyong digital currency at token sa iyong smartphone at desktop browser. Available ito para sa mga iOS at Android device.
- Para mag-self custody ng crypto gamit ang Trust Wallet, kakailanganin mo munang i-download ang app.
- Kapag na-install mo na ang Trust Wallet app, buksan ito at piliin ang opsyong “Gumawa ng Bagong Wallet.”
- Pagkatapos, ipapakita sa iyo ang recovery phrase ng wallet mo na kailangan mong isulat at secure na i-store sa isang ligtas na lugar.
- Ang huling hakbang ay piliin ang coin o token na gusto mong i-self custody at ipadala ang iyong crypto mula sa palitan o non-custodial wallet papunta sa bago mong Trust Wallet address.
- Ngayon, puwede ka nang humawak, tumanggap, at magpadala ng iyong cryptocurrency nang hindi umaasa sa third party.
Ang self-custody ay isang mahalagang piyesa ng puzzle para sa mga namumuhunan sa crypto. Napatunayan na ang mga centralized exchange ay madalas ma-hack at mabangkarote, na puwedeng humantong sa pagkawala ng mga pondo mo. Para mapanatiling ligtas ang iyong mga crypto asset, siguraduhing magse-self custody ka!