Babala sa Scammer

scammer-warning

Gusto naming malaman mo ang tungkol sa patuloy na dumaraming pagtatangka ng phishing sa crypto sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng tatlo sa mga pinakaginagamit na scam na mayroon. Sa lahat ng ito, karaniwang hinihingi ang pribado mong impormasyon at sinasabi sa iyo ang pribadong key o seed phrase mo (na tinatawag ding recovery phrase). Kailangan naming ipaalala sa iyo na:

Huwag na Huwag Ibabahagi ang Iyong Recovery Phrase o Pribadong Key Kahit Kanino.

Ang mga scammer na nagpapanggap na kami o iba pa ay magkakaroon agad ng access sa iyong wallet at nanakawin nila agad ang lahat ng pondo mo!

Ano ang Posibleng Maging Hitsura ng Mga Scam na Ito

Sa ngayon, nakatukoy na tayo ng ilang paraan kung paano sinusubukang nakawin ng mga scammer ang mga pondo mo. Kasama sa mga paborito nilang tool ang mga pekeng Facebook page, giveaway group sa Telegram, o nagpapanggap na website ng phishing. Ipapakita namin sa iyo kung paano tutukuyin ang mga ito at kung paano ka makakatulong na labanan ang mga scammer.

Facebook

pIdDSZyQPNYBSp8_CA8lUqpwnCbLPo_PihE3gdZHGz0903IK-EeyuoiYwceCEDJF2tQWTD9wAWRcTZ7tvWdN70zKh8izArTVvfFU2wftKIPOjoUyGo3pN2fEXDo9pV4zS3MF1US0

Ang mga scam na ito ay karaniwang nasa anyo ng isang Facebook page na nagpapadala ng mga private message o nagmamarka sa isa sa aming mga user kung saan sinasabi ng scammer na napili ang user sa isang opisyal na giveaway at kailangan lang niyang bumisita sa isang website para i-claim ito. Karaniwang humahantong ito sa isang pekeng page ng Trust Wallet / MyEtherWallet na humihiling agad sa iyong ilagay ang pribadong key o recovery phrase mo.

H1WB00ov0m2Be08jG-xJ66SUAzcmUk_D3lf7ovnYQAUf1yvjXCCWvgTA3qj0q3aLYV1Fw3aMd_iYKXHYcA-puYO_-AdabMMIGOB5cDUFYHTNPpRWajya_ERBUgFymVMFshb6y2Di

Paano protektahan ang iyong sarili

Laging siguraduhin na ang binibisita mo ay ang aming opisyal na Facebook page na @trustwalletapp. Hinding-hindi kami nagmemensahe sa iyo nang direkta tungkol sa anumang giveaway o promosyon. Bisitahin ang @trustwalletapp at tingnan kung may kasalukuyang promosyon (Doon lang namin ito ipo-post). Kung may pagdududa, magmensahe sa amin nang direkta sa Facebook. Paano Lumaban: Laging siguraduhing iulat ang page sa Facebook at ipaalam din ito sa amin para maibahagi namin ito sa aming internal na anti-scam team.

Telegram

Kadalasan, nagpapanggap ang mga scammer na isa sila sa aming mga moderator o team member ng Trust Wallet at nagmemensahe sila nang direkta at sinasabi nila na makakatulong sila sa problema mo. Karaniwang nagpapanggap sila bilang founder namin na si Viktor pero nagpanggap na rin sila bilang ibang staff.

image

image

Karaniwang sinasabi ng mga scammer na babawiin nila ang iyong mga pondo o papabilisin nila ang iyong ticket sa suporta na laging kinasasangkutan ng paghingi nila sa pribadong key o recovery phrase mo. Hinding-hindi hihingin ng mga moderator o staff ng Trust Wallet ang iyong recovery phrase o pribadong key.

Kamakailan, nakita rin namin na dumarami ang mga giveaway group sa Telegram na nag-iimbita na lang ng mga user mula sa aming opisyal na channel sa Telegram at nang-eenganyo sa kanilang bumisita sa mga website ng phishing sa pamamagitan ng mga kumpetisyon o giveaway. Hinding-hindi ka iimbitahan ng Trust Wallet sa anumang espesyal na giveaway group sa Telegram.

image

image

Paano protektahan ang iyong sarili

Huwag na huwag sasagot sa sinumang direktang magmemensahe sa iyong Telegram na nagpapanggap na nagtatrabaho siya sa Trust Wallet. Kung magmemensahe ka sa amin nang direkta, siguraduhin na gagawin mo lang iyon sa pamamagitan ng pag-click sa mga alyas ng aming mga admin sa mensahe ng pagbati sa Telegram. Baguhin ang iyong mga setting ng privacy sa Telegram (Settings > Privacy & Security > Groups > at baguhin ang iyong mga setting sa pag-imbita sa Group sa My contacts) para maiwasan ang mga panlolokong imbitasyon sa group. Sumali lang sa aming opisyal na English na group sa Telegram at channel ng Announcement. Paano Lumaban sa Tuwing May Nagmemensahe sa iyo na hindi pa nakakapagmensahe sa iyo dati, may opsyon kang MAG-ULAT NG SPAM sa itaas ng Mensahe. Magagawa mo rin ito para sa mga hindi gustong imbitasyon sa group. Huwag mag-post ng anumang larawan o litrato ng mga scammer sa aming group sa Telegram dahil nakakalito lang ito para sa mga bagong user. Direktang magmensahe sa isang Admin kung may gusto kang iulat.

Mga Website ng Phishing

image

Isa pang karaniwang bagay na makikita mo ay mga website ng phishing na gumagaya sa aming opisyal na Website, Blog, o site ng Medium. Karaniwang kamukha ang mga ito ng aming mga opisyal na site, pero mga nakakapinsalang website ng phishing talaga ang mga ito. Karaniwang nagdaragdag ang mga ito ng isa pang level ng subdomain o gumagamit ito ng medyo kaparehong domain name para maloko ang mga user.

image

Paano protektahan ang iyong sarili

  • Siguraduhing titingnan mo ang ginagamit mong domain. Kung may pagdududa, i-type ito nang manu-mano sa iyong browser (trustwallet.com)
  • Huwag na huwag ilalagay ang iyong pribadong key o recovery phrase sa anumang website na magpapagawa sa iyo noon.

Paano Lumaban

I-bookmark ang aming opisyal na domain na trustwallet.com at https://community.trustwallet.com sa paborito mong browser para lagi mong alam na wala ka sa isang website ng phishing. Kung may makikita kang website ng phishing, siguraduhing Makikipag-ugnayan ka agad sa Amin.

Sundin ang mga Panuntunang Ito

  • PANUNTUNAN 1: Huwag na huwag ilalagay ang iyong pribadong key o recovery phrase sa anumang website maliban na lang kung alam mo kung ano ang ginagawa mo.

  • PANUNTUNAN 2: Hinding-hindi ka imemensahe nang direkta ng mga moderator o staff ng Trust Wallet.

  • PANUNTUNAN 3: Hinding-hindi magkakaroon ang mga moderator o staff ng Trust Wallet ng dahilan para hingin ang recovery phrase o pribadong key.

  • PANUNTUNAN 4: Hinding-hindi ka iimbitahan ng Trust Wallet sa anumang espesyal na giveaway group sa Telegram.

  • PANUNTUNAN 5: Laging tingnan ang domain o username para masigurado na nasa opisyal kang website o social media ng Trust Wallet.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day