Bakit Dapat Mag-back Up?
- Panatilihing secure ang iyong mga pondo
- I-restore ang iyong wallet sa anumang device
- You are responsible
- Pigilan ang pagkawala ng mga pondo
Isa itong mahalagang paalala na laging gumawa ng manu-manong backup ng iyong wallet.
Naka-encrypt ang iyong Recovery Phrase o Pribadong Key sa device mo. Ibig sabihin nito, naka-secure ang iyong mga key at hinding-hindi aalis ang mga ito sa device mo. Ang pinakamagandang paraan para i-back up ang iyong wallet ay sa pamamagitan ng manu-manong pagsusulat ng Recovery Phrase o Pribadong Key mo. Walang online na serbisyo na makakakuha ng impormasyon ng wallet mo.
WALANG rekord ang Trust Wallet team ng iyong Recovery Phrase o Pribadong Key.
Paano Mag-back Up?
May gabay kaming puwede mong sundin dito: Paano Mag-back Up ng Multi-Coin Wallet Sa Trust Wallet app, puwede mong tingnan ang Recovery Phrase o ang Pribadong Key.
Pumunta lang sa menu na Mga Setting at pagkatapos ay i-tap ang wallet na gusto mong i-back up.
I-back Up ang Iyong Recovery Phrase
Bubuuin ang iyong recovery phrase sa sandaling gumawa ka ng Multi-Coin wallet. Kailangan mong i-back up ang iyong recovery phrase sa lalong madaling panahon.
I-back Up ang Iyong Pribadong Key
Gamit ang mga isahang crypto wallet na na-import sa app, mae-export mo ang Pribadong Key.
Nawala mo ba ang Backup?
- Siguraduhing ilalagay mo ang iyong (mga) backup sa ligtas na lugar.
- Kami sa Trust Wallet ay WALANG access sa iyong wallet o sa Recovery Phrase mo.
- Kung walang backup, mawawala ang mga pondo mo. Hindi ka namin matutulungan.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day