Napakahalagang panatilihing ligtas ang iyong mga pondo para sa lahat ng user at namumuhunan sa crypto.
Ang seguridad ng crypto wallet ay isa sa pinakamahahalagang aspeto ng paghawak at pamumuhunan sa cryptocurrency.
Sa gabay na ito, ibibigay namin sa iyo ang aming nangungunang limang tip sa kaligtasan ng crypto wallet para mapanatiling ligtas ang iyong mga pondo, at ilan pang dagdag na puwede mong ipatulad para talagang mas mapaigting pa ang seguridad.
Bakit Mahalaga ang Kaligtasan ng Crypto Wallet
Pinag-aagawan ng mga cybercriminal ang cyptocurrency.
Ang hirap ng pag-link ng mga transaksyon ng crypto sa mga pagkakakilanlan sa totoong buhay kasama ng kawalan ng kakayahang i-reverse ang mga transaksyon sa blockchain ang dahilan kaya naman sikat na target para sa mga hacker ang mga digital currency.
Sa lampas labindalawang taon ng kasaysayan ng cryptocurrency, bilyon-bilyong dolyar na halaga ng crypto ang nanakaw ng mga hacker.
Ano ang ibig sabihin noon para sa iyo?
Ibig sabihin noon, dapat kang magpatupad ng isang serye ng mga hakbang para sa seguridad ng crypto wallet para matiyak na secure ang iyong crypto.
Ang pag-download at paggamit ng secure na wallet, gaya ng Trust Wallet, ay ang unang hakbang sa pagprotekta sa iyong mga crypto asset. Ang susunod na hakbang ay sumunod sa pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad ng crypto wallet para matiyak na walang manloloko sa iyo para bigyan mo sila o ang isang piraso ng malware ng access sa iyong wallet.
Seguridad ng Crypto Wallet — 5 Dapat Basahing Tip para sa mga User ng Trust Wallet
1. I-back up ang iyong wallet
Ang una at sinasabing pinakamahalagang hakbang para sa seguridad ng wallet na dapat sundin ng lahat ng user ng crypto wallet ay ang pag-back up ng wallet.
Kadalasang sangkot sa pag-back up ng crypto wallet ang pagsusulat ng seed o recovery phrase na may 12 o 24 na salita. Ganito rin ang sitwasyon sa Trust Wallet!
Para sa ilang wallet, kinakailangan mong magtala ng username at password, habang sa iba naman, kailangan mong mag-save ng file at gamitin ito para magkaroon ka ulit ng access sa iyong wallet kasama ng isang password.
Alinmang hakbang para sa pag-recover ng wallet ang nakatakda sa wallet mo, siguraduhing iba-back up mo ang iyong wallet!
2. Secure na i-store ang iyong recovery phrase
Magandang panimula ang pag-back up ng iyong wallet, gamit ang iyong recovery phrase, bilang halimbawa. Pero ngayon, kailangan mong siguraduhin na secure mong iso-store ang iyong recovery phrase.
Una sa lahat, hindi mo dapat i-store ang iyong recovery phrase online, sa isang photo gallery, o sa iba pang app na may access sa iyong mga larawan, gaya ng Instagram.
Bagama’t posibleng matukso kang i-store ang iyong recovery phrase sa isang app para sa pagsusulat ng tala o sa iyong email, iyon ay mga siguradong paraan para mawala ang iyong crypto kung sakaling makompromiso ang alinman sa mga application na ito+.
Pangalawa, kapag isinulat mo ang iyong recovery phrase sa isang piraso ng papel, hindi mo ito dapat iwan na lang basta sa isang random na desk drawer kung saan.
Sa halip, siguraduhin na itatago mo ang iyong recovery phrase sa isang secure na lugar — mainam kung sa isang safe kung mayroon ka nito — para matiyak na hindi ito madaling masisira, maitatapon ng tagalinis, o mawawala.
Kung gusto mo pang dagdagan iyon, puwede mong ipa-engrave ang iyong recovery phrase sa isang metal plate para hindi ito madaling masira o mapagkamalang walang silbing piraso ng papel.
3. Huwag na huwag ibabahagi ang iyong recovery phrase
Kapag na-back up mo na ang iyong wallet at secure mo nang na-store ang iyong recovery phrase offline, mahalagang hinding-hindi mo ibabahagi ang iyong recovery phrase kahit kanino — kahit sa Trust Wallet team. Walang lehitimong empleyado ng website sa pag-trade ng crypto, crypto wallet, support team, o technician ang manghihingi ng iyong mga recovery phrase, at hindi rin nila iyon kakailanganin. Kung may manghihingi sa iyo nito, siguradong-sigurado na scam iyon.
Kung makukuha ng mga hacker ang iyong recovery phrase, puwede silang gumawa ng kopya ng wallet mo at puwede nilang i-withdraw ang iyong mga pondo nang hindi mo alam.
Para maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga hacker at iba pang masasamang loob, kailangan mong malaman ang mga pinakakaraniwang paraan kung paano nila sinusubukang linlangin ka para bigyan mo sila ng access sa iyong wallet.
Halimbawa, puwedeng makipag-ugnayan sa iyo ang mg hacker sa pamamagitan ng DM sa Telegram, sa social media, sa email, na nagsasabing mula sila sa support sa Trust Wallet, at nag-aalok na tumulong kapag naibigay mo na sa kanila ang recovery phrase ng wallet mo. O kailangan nilang “i-verify” ang wallet mo kung saan kinakailangan ang recovery phrase para magawa iyon. Siyempre, hindi ito totoo at siguradong-sigurado na scam ito.
Hinding-hindi ka idi-DM o ie-email ng Trust Wallet para hingin ang recovery phrase mo!
Puwedeng magmukhang totoong-totoo ang mga pekeng profile ng kumpanya na ginagawa ng mga hacker, at madaling maloloko nito ang mga baguhang hindi alam ang ganitong paraan ng social engineering.
4. Siguraduhin na sa “totoong” Trust Wallet ka lang makikipag-interact
Sa pagtatangkang i-scam ang mga user ng Trust Wallet para makuha ang kanilang mga pondo, gumawa ang mga cybercriminal ng mga pekeng Trust Wallet app, website, at social media profile.
Susubukan ng mga nagpapanggap na ito na magkaroon ng access sa iyong mga pondo sa pamamagitan ng mga diskarte sa phishing o sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa iyong ibigay ang recovery phrase mo.
Samakatuwid, mahalagang sa “totoong” Trust Wallet ka lang makipag-interact.
5. Iwasang mag-download ng mga nakakapinsalang file o mag-click sa mga link sa mga email ng phishing
Bilang pangwakas, kailangan mong iwasang mag-click ng mga link o mag-download ng mga file mula sa mga hindi kilalang nagpadala para protektahan ang iyong sarili laban sa malware na nagnanakaw ng crypto at mga pagtatangka ng phishing.
Kung hindi mo sinasadyang maki-click ang isang nakakapinsalang link, puwedeng remote na nakawin ng isang hacker ang mga detalye sa pag-log in o mga pribadong key ng iyong crypto account. Mahalagang huwag mag-click ng anumang link o file na nagmula sa mga hindi kilalang nagpadala.
Higit pa rito, mainam na mag-download ng anti-virus at anti-malware software sa iyong mga device para matiyak na mahuhuli mo ang anumang pagkakatangga ng nakakapinsalang software na pumupuntirya sa wallet mo.
Manatiling Alisto Dahil “Walang 100% Secure”
Sa isang kamakailang blog post, isinaad ng CEO ng Binance na si Changpeng Zhao na sa kabila ng mga hakbang para sa seguridad ng wallet na itinakda ng mga kumpanya ng crypto, “walang 100% secure.”
At tama siya.
Ang crypto malware, mga pagtatangka ng social engineering, at hindi sinasadyang pagkawala ng acess sa mga coin ng isang tao ay mga banta na magpapatuloy para sa mga user ng crypto, sa kasamaang palad.
Bukod pa sa aming mga nangungunang tip sa seguridad ng wallet, ipinapayo rin sa iyo na:
- Huwag na huwag kang makikipagtransaksyon gamit ang hindi secure na pampublikong Wi-Fi. Kung nagtatrabaho ka mula sa coffee shop o nag-log in ka sa Wi-Fi ng hotel para magpadala ng transaksyon sa bitcoin, siguraduhing lilipat ka sa isang VPN para ma-encrypt ang trapiko mo. Kung hindi ka gagamit ng VPN, may kakayahan ang mga hacker na tingnan ang lahat ng iyong trapiko, kasama na kung anong mga username at password ang tina-type mo sa iyong account sa palitan ng crypto.
- Gumamit lang ng “malinis” na device kapag nakikipagtransaksyon ka sa cryptocurrency. Magpatakbo ng pagsusuri ng anti-virus at anti-malware kapag gumagamit ka ng bagong device o gumagamit ka ng device na matagal-tagal mong hindi nagamit para magproseso ng mga transaksyon sa crypto.
- Manatiling nakaantabay sa mga update sa software. Bagama’t medyo nakakainis ang mga update sa iOS, bilang halimbawa, pina-patch ng mga ito ang mga kahinaan sa seguridad na mas nagpapa-secure sa iyong smartphone. Dagdag pa rito, regular na ina-update ng mga mobile wallet ang kanilang software para manatiling compatible sa pinakabagong upgrade sa operating system, kaya gugustuhin mong i-update ang iyong OS para matiyak na patuloy na gagana nang maayos ang mobile wallet mo.
- Huwag nang gumamit ng SMS verification. Kung sine-secure mo ang iyong account sa palitan gamit ang SMS, itigil mo na iyon ngayon. Ang pag-swap ng SIM ay naging napakasikat (at epektibo) nang paraan para magnakaw ng cryptocurrency. Samakatuwid, ipinapayong gumamit na lang ng mga authentication app gaya ng Authy at Google Authentication para sa Two-Factor Authentication (2FA) sa mga palitan.
- Pisikal na i-secure ang iyong mga device. Siguraduhing naka-lock ang iyong phone screen gamit ang password na hindi madaling mahuhulaan. Ganoon din ang iyong laptop kung gumagamit ka ng desktop para mag-store, magpadala, o tumanggap ng crypto.
Bagama’t kailangan mong manatiling alisto kapag sine-secure ang iyong crypto wallet laban sa mga banta, sa pamamagitan ng pag-download ng Trust Wallet, makakatiyak ka na dahil alam mong sino-store mo ang iyong crypto sa isa sa mga pinakaligtas na crypto wallet sa mundo.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day