Paano Bawiin ang Mga Pag-apruba ng ERC20 Token

Pagbawi ng Mga Pag-apruba ng Token

Sa tuwing nakikipag-interact ka sa isang DApp, dapat ka munang magbigay ng pahintulot para makagastos ang smart contract ng partikular na halaga ng iyong token (na tinatawag na allowance). Tinatawag itong Pag-apruba ng Token. Karamihan ng mga DeFi application ay gumagamit ng “walang katapusang pag-apruba” bilang default na setting. Puwedeng maging napakakumbinyente ng setting na ito para sa pagtitipid ng oras at bayarin sa mga transaksyon ng pag-apruba sa hinaharap. Gayunpaman, kapag nasamantala ang smart contract na iyon ng masamang loob at nagkaroon ito ng kontrol sa address, nagbibigay ito ng oportunidad na samantalahin ang mga user.

Para maprotektahan ang iyong mga asset, puwede mong manu-manong bawiin ang mga Pag-apruba ng Token na ito. Sa gabay na ito, ipapakita namin sa iyo kung paano mo mababawi ang mga pag-apruba ng ERC20 token sa pamamagitan ng Etherscan Token Approval Checker 5.5k.

Mga Hakbang para Bawiin ang Mga Pag-apruba ng Token

Hakbang 1

Pumunta sa website na ito https://etherscan.io/tokenapprovalchecker 5.5k. Hanapin ang iyong ETH address.

image

image420×828 57.2 KB

image

image420×828 58.9 KB

Magpapakita ng listahan ng mga Pag-apruba ng Token.

image

image420×828 125 KB

Hakbang 2

Ikonekta ang iyong Trust Wallet gamit ang Wallet Connect Mobile Linking. I-tap ang Kumonekta sa Web3 at piliin ang opsyong WalletConnect.

image

image420×828 59.4 KB

image

image420×828 53.9 KB

Mag-tap sa Trust at pagkatapos ay Ikonekta ang iyong wallet.

image

image420×828 70.6 KB

Hakbang 3

Hanapin ang pag-apruba ng token na gusto mong bawiin. Mag-scroll hanggang sa dulo sa kanan at pagkatapos ay i-tap ang Bawiin.

image

image420×828 102 KB

image

image420×828 85.9 KB

Hakbang 4

Kumpirmahin ang transaksyon sa Trust Wallet. Mangangailangan ito ng ilang ETH para sa bayarin sa Gas.

Kapag nakumpirma na ang transaksyon, babawiin nito ang pag-apruba ng token. Tapos na.

image

image420×828 83.4 KB

3 Likes