Dahil sa desentralisadong katangian ng Trust Wallet, puwede mong i-import ang dati mong Trust Wallet o isang 3rd party na wallet gamit ang Recovery Phrase, Pribadong Key, o Keystore File. Makakapag-import ka rin ng Pampublikong Key na magagamit mo para lang tingnan ang mga laman ng isang wallet.
Paalala!
Ikaw lang ang responsable sa seguridad ng iyong wallet. Laging gumawa ng backup bago gumawa ng anumang pagbabago sa iyong wallet. Ang gabay na ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman.
Bago i-import ang iyong wallet sa bagong device, siguraduhin na:
- Gumawa ka ng backup ng iyong mga recovery phrase. Hindi ipinapayong i-store mo ang mga ito sa isang electronic device, sa halip ay isulat mo ang mga ito sa isang piraso ng papel at itabi mo ang mga ito sa isang safe, bilang halimbawa. Basahin ang aming gabay sa mga recovery phrase.
- Kung plano mong i-delete ang iyong wallet sa luma mong device, siguraduhing i-import muna ang iyong wallet sa bago mong device.
- Siguraduhing hindi maa-access ang iyong wallet mula sa luma mong telepono kung itatapon o ibebenta mo ito. Sa madaling salita, alisin ang app kapag matagumpay mo nang na-import ang iyong wallet sa bagong device.
Gumawa ng Backup
Para ma-export ang iyong wallet, kailangan mong magkaroon ng access sa mga setting ng seguridad ng iyong wallet. Sa mga web wallet tulad ng MyEtherWallet (MEW), kailangan mong i-back up ang iyong Keystore File kapag ginawa mo ang iyong wallet. Narito ang ilang halimbawa para sa bawat uri.
Recovery Phrase mula sa MetaMask Wallet
Keystore File mula sa MyEtherWallet
Paalala!
Protektado ng password ang mga Keystore File.
Kung wala ang password, hindi mo made-decrypt ang Keystore File.
Pribadong Key mula sa MyEtherWallet
Pag-import ng Wallet
Magpapatuloy na tayo sa proseso ng pag-import ng mga wallet. Medyo katulad ito ng kung Paano Mag-restore ng Multi-Coin Wallet. Ang tanging pinagkaiba ay sa halip na pumili ng Multi-Coin Wallet, pipiliin nating Mag-import ng Ethereum wallet.
Paano I-access ang Screen ng Pag-import ng Wallet
- Buksan ang Trust Wallet at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting.
- Sa screen na Mga Setting, makikita mo ang Mga Wallet.
- I-tap ang “+” sign sa kanang bahagi sa itaas para i-access ang Screen na Mag-import. I-tap ang Ethereum.
Paraan 1: Mag-import sa pamamagitan ng Recovery Phrase
I-type ang Recovery Phrase sa tab na Phrase ng screen na Mag-import ng Ethereum. Puwede mo ring i-scan ang QR code (kung mayroon ka nito). Maglagay ng Pangalan para madali mong makilala ang wallet. Kapag tapos ka nang mag-type, i-tap lang ang I-import.
Paraan 2: Mag-import sa pamamagitan ng Keystore File
Ang Keystore File ay isang text file na naglalaman ng mga naka-encrypt na linya ng code. Kailangan mong kopyahin ang lahat ng laman ng file at i-paste ito sa tab na Keystore JSON. I-type ang password para i-decrypt ang file. Maglagay ng Pangalan para madali mong makilala ang wallet. Kapag tapos ka nang mag-type, i-tap lang ang I-import.
Paraan 3: Mag-import sa pamamagitan ng Pribadong Key
Ang Pribadong Key ay maikling code na ipinapares sa pampublikong key para magpagana ng mga algorithm para sa pag-encrypt at pag-decrypt ng text. Parehong kinukuha ang mga pribado at pampublikong key sa iyong mga recovery phrase.
I-type ang Pribadong Key sa tab na Pribadong Key ng screen na Mag-import ng Ethereum. Puwede mo ring i-scan ang QR code (kung mayroon ka nito). Kapag tapos ka nang mag-type, i-tap lang ang I-import.
Paalala!
Kung nalantad ang iyong Pribadong Key, napakadaling maaapektuhan ang iyong wallet. Ang mga Recovery Phrase ay mas matibay at naglalagay ng isa pang layer ng proteksyon. Gayunpaman, hindi ipinapayong ituloy ang paggamit sa iyong wallet kung nakompromiso ang alinman sa mga backup na nabanggit sa itaas.
Paraan 4: Mag-import sa pamamagitan Pampublikong Key
Sa teknikal na usapan, ang Pampublikong Key ay ang tatanggap na address o wallet address. Kapag na-import ang key na ito, matitingnan mo ang mga token at collectible, pati na rin ang mga transaksyong nauugnay sa nasabing address.
I-type ang Pampublikong Key sa tab na Address ng screen na Mag-import ng Ethereum. Puwede mo ring i-scan ang QR code (kung mayroon ka nito). Maglagay ng Pangalan para madali mong makilala ang wallet. Kapag tapos ka nang mag-type, i-tap lang ang I-import.
Paalala!
Kapag nag-i-import ka ng Pampublikong key, hindi ka makakagawa ng anumang transaksyon sa wallet.
At iyon na. Tuluyan mo nang na-import ang iyong wallet. Binabati ka namin!
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day