Paano Mag-stake ng mga Cosmos (ATOM) Token sa Trust Wallet

Blog_stake

Ano ang Cosmos at ang ATOM token?

Ang Cosmos ay isang network ng mga independent na blockchain na pinagkokone-konekta ng Cosmos Hub, na isang proof-of-stake (PoS) blockchain na nakabatay sa Tendermint, na isang byzantine fault tolerant (BFT) na consensus protocol.

Ang ATOM ay ang native at nag-iisang token sa pag-stake ng Cosmos Hub. Kinakatawan ng mga ATOM ang karapatang lumahok sa consensus (bumoto, mag-validate, o magtalaga) para sa Hub at makakuha ng mga inflationary na reward ng block ng ATOM at bayarin sa transaksyon bilang kapalit.

Ano ang Pagtatalaga?

Lumalahok sa consensus ang mga validator sa Cosmos Hub sa pamamagitan ng pag-broadcast ng mga cryptographic signature, o boto, para mag-commit ng mga block. Nangangailangan ang Tendermint ng nakatakda at kilalang hanay ng mga validator, kung saan tinutukoy ang bawat validator gamit ang kanilang pampublikong key. Sinusubukan ng mga validator na magkaroon ng consensus sa paisa-isang block, kung saan ang isang block ay isang lsitahan ng mga transaksyon.

Ang pagtatalaga ay kapag iniugnay mo ang iyonng mga token sa isang validator at nakakuha ka ng mga reward mula sa validator na iyon. Ibinibigay ang mga reward ng block sa mga validator at delegator sa mga bagong isyung (inflationary) na ATOM token bilang insentibo sa pag-stake.

Para maiwasang malito sa mga terminolohiya, ang proseso ng pagtatalaga ay tinatawag na Pag-stake, dahil sa pangkalahatan, ito ang tinatanggap na termino ng karamihan ng mga user.

image

Paalala!

Kapag na-stake mo ang iyong mga token, awtomatikong nabubuo ang mga reward. Sa sandaling i-unstake mo ang iyong mga token, mananatili ang mga ito sa naka-lock na katayuan sa loob ng dagdag na 21 araw. Sa loob ng 21 araw na panahon, wala nang reward na makukuha at hindi pa maililipat ang mga token.

Paano Kinakalkula ang mga Reward?

Gumagawa ng mga bagong atom sa bawat block at ipinapamahagi ang mga ito sa mga validator at delegators na lumalahok sa proseso ng consensus. Nagbibigay ito ng insentibo sa mga may hawak ng atom na huwag lang passive na hawakan ang kanilang mga token sa mga wallet, pero isugal ang mga ito para ma-secure ang network. Nag-iiba-iba ang dami ng mga bagong atom na nagagawa kada block at nakadepende ito sa porsyento ng supply ng atom na naka-stake sa network.

Puwede kang pumunta sa ATOM Staking Calculator ng StakingRewards 2.7k para malaman ang mga potensyal na reward.

Paano Mag-stake ng ATOM sa Trust Wallet

Hakbang 1 - Ihanda ang iyong mga Cosmos token

Kumuha ng ATOM sa mga palitan at ideposito ito sa iyong Cosmos Wallet. Buksan ito para kumpirmahin na lumalabas nang tama ang iyong balanse. Mula sa pangunahing screen ng wallet, puwede ka ring pumunta sa tab na Pananalapi para makita ang lahat ng available na token na puwedeng i-stake sa iyong Trust Wallet. Makikita mo rito ang Cosmos (ATOM), i-tap ito para pumunta nang direkta sa Cosmos Wallet.

image

image

Tip!

Kung hindi mo nakikita ang ATOM sa iyong wallet, i-tap ang “+” sign sa kanang bahagi sa itaas at hanapin ang ATOM, pagkatapos ay gamitin ang toggle para idagdag ang token.

Hakbang 2 - I-access ang Menu ng Pag-stake

I-tap ang Higit pa para i-access ang Menu ng Pag-stake. Makikita mo rito ang mga sumusunod na opsyon:

  • Mga Detalye ng Pag-stake - Tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa pag-stake ng Cosmos at sa kasalukuyang status ng pag-stake.
  • Mag-stake - Dadalhin ka nito sa inisyal na screen ng pag-stake.
  • Mag-unstake - Pumunta rito kung gusto mong i-unstake ang iyong mga token at huminto sa pagkuha ng mga reward.
  • Mag-claim ng mga Reward - I-claim ang mga nabuong reward sa pamamagitan ng pag-stake.

image

Para simulan ang proseso ng pag-stake, i-tap ang Mag-stake.

Hakbang 3 - Pumili ng Validator

Ilagay ang halagang gusto mong i-stake o mag-tap sa Max para piliin ang lahat ng token. Ang minimum na halaga ay 0.01 ATOM . Kailangan mong magkaroon ng ilang available na token para sa bayarin, na hindi bababa sa 0.001 ATOM. Pumili ng gusto mong Validator, pagkatapos ay i-tap ang Susunod.

image

image

Babala!

Bago ka magpatuloy, tandaan ang sumusunod:

  1. Mala-lock ang iyong ATOM, at magsisimula kang makabuo ng mga reward.
  2. Puwede kang “Mag-unstake” anumang oras, pero inaabot nang 21 araw ang proseso ng pag-stake.
  3. Kapag tapos na ang pag-stake, saka mo magagalaw/maililipat ang iyong mga ATOM token.

Hakbang 4 - Ipadala ang Transaksyon sa Network

Suriin ang mga detalye ng transaksyon. I-tap ang Ipadala kapag handa ka nang magpatuloy.

Awtomatikong babalik ang screen sa ATOM wallet. May lalabas na mensaheng Nakabinbin habang kinukumpirma ng network ang transaksyon.

image

image

Hakbang 5 - Kumpirmahin ang Transaksyon

Kapag kumpleto na ang proseso ng pag-stake, puwede mong i-verify ang mga resulta sa pamamagitan ng pag-tap sa Higit pa at pagkatapos ay i-tap ang Mga Detalye ng Pag-stake. Binabati ka namin, sine-stake mo na ang iyong mga ATOM token.

image

image

Paano Tingnan ang Cosmos Blockchain Explorer

Puwede mo ring tingnan ang status ng iyong pag-stake sa pamamagitan ng pagpunta sa explorer na ito: https://www.mintscan.io at pagkatapos ay hanapin ang iyong ATOM address.

image

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day