Nagbigay-daan ang Trust Wallet sa mga user para makapag-stake sila ng mga Polkadot token sa native na paraan at makakuha sila ng mga reward sa kanilang mobile wallet, ibig sabihin, mas mabilis, mas madali, at mas secure na ngayong mag-stake ng iyong mga (DOT) token!
Inirerekomenda naming basahin mo ang buong gabay na ito para matiyak na nauunawaan mo nang mabuti kung paano gumagana ang pag-stake ng Polkadot! At baka may matutunan ka pa para mapabilib ang mga kaibigan mo.
Mga Nilalaman:
- Bakit Dapat Mag-stake ng Polkadot (DOT) sa Native na Paraan sa Trust Wallet?
- Ano ang Trust Wallet?
- Paano Mag-stake ng Polkadot (DOT) sa iyong Trust Wallet
- Mga Reward sa Pag-stake
- Paano ba gumagana ang pag-stake ng Polkadot?
- Mga nangungunang tip para sa pag-stake ng DOT (mas matataas na tsansa ng mga reward!)
Bakit Dapat Mag-stake ng Polkadot (DOT) sa Native na Paraan sa Trust Wallet?
- Dahil higit sa lahat, ang Trust Wallet ay multi-chain, mas madaling matuklasan ang pinakamataas na APY% sa iba’t ibang chain at validator, mag-stake sa ilang pag-click, at makakita ng mga reward sa pag-stake sa iba’t ibang token sa iisang wallet.
- Sa native na pag-stake ng Polkadot, nawawala ang bayaring nakikita mo sa iba pang wallet, dahil marami sa mga ito ang umaasa sa mga external na protocol o smart contract.
- Kapag may Polkadot ka na sa iyong wallet, puwede ka nang magsimulang mag-stake sa 3 pag-tap.
Ano ang Trust Wallet?
Ang Trust Wallet mobile ay isang madaling gamitin at totoong multi-chain na noncustodial wallet, na nagbibigay-daan sa iyong mag-store at mamahala ng mahigit 3 milyong crypto asset kasama na ang mga NFT sa 65+ blockchain. Hindi na kailangang i-store ang iyong mga asset sa maraming custody wallet o palitan! Magiging panatag ka dahil alam mong nasa iisang ligtas na lugar ang iyong mga asset.
Naka-store ang iyong mga pribadong key sa device mo at ang iyong mga asset sa chain, ibig sabihin, mayroon kang kumpletong kontrol sa lahat ng pagkakataon. Nagbibigay sa iyo ang Trust Wallet ng kakayahang native na bumili, mag-swap, at mag-stake ng paborito mong crypto nang hindi kinakailangang umalis sa app, at kumonekta rin sa mga dApp gamit ang built-in na dApp browser.
Ginagamit ang Trust Wallet ng mahigit 50 milyong tao sa buong mundoworldwide!
Wala ka pa bang Trust Wallet…? Mag-download dito: Trust Wallet App
Paano Mag-stake ng Polkadot (DOT) sa iyong Trust Wallet
Una, kakailanganin mo ng ilang $DOT token. Wala ka pa bang Polkadot token? Sundin ang gabay na ito kung paano bumili ng Polkadot sa iyong Trust Wallet.
Pagkatapos, pumunta sa tab na ‘Tuklasin’ sa iyong Trust Wallet (larawan 1), pagkatapos ay mag-tap sa seksyon ng pag-stake para buksan ang page ng pag-stake (larawan 2). Ngayon, i-tap ang Polkadot (DOT) para buksan ang window ng token at i-tap ang ‘mag-stake’ (larawan 3 at 4). Puwede ka ring pumunta sa token sa iyong wallet at puwede mong piliin ang icon na ‘mag-stake’ sa page ng token (nasa larawan 3 at 4 din).
Pumili ng mga Validator Mo
Piliin ulit ang ‘Mag-stake’ at pumili sa listahan ng mga Aktibong validator para magpatuloy (larawan 1) sa pamamagitan ng pag-tap sa mga ito - dapat may lumabas na marka sa tabi ng mga napili mong validator.
Kung magso-scroll ka pababa, makikita mo rin ang listahan ng mga hindi aktibong validator (larawan 2). Inirerekomenda naming pumili ng mahigit sa isang aktibong validator! Ipapaliwanag namin kung bakit sa seksyon 5: ‘Paano ba gumagana ang pag-stake Polkadot?’
Paalala:
Kapag naka-stake na ang mga DOT token, mala-lock ang mga ito sa mga napili mong validator. Inaabot nang hanggang 28 araw bago ma-unstake ang na-unstake na DOT. Hindi maililipat ang iyong mga token habang naka-stake ang mga ito.
Ilagay ang Halaga ng DOT
Ilagay ang halaga ng DOT na gusto mong i-stake. Laging mag-iwan ng ilang token para sa bayarin sa pag-stake/pag-unstake. I-tap ang Susunod para magpatuloy. Suriin ang transaksyon at pagkatapos ay i-tap ang Kumpirmahin.
Susunod, ibabalik ka sa iyong wallet kung saan mo makikita ang nakabinbing ‘transaksyon’ (larawan 1). Hintayin lang na iproseso ng network ang iyong kahilingan sa pag-stake, pagkatapos ay lalabas ito sa iyong wallet bilang kabuuang na-stake na halaga! Tingnan ang seksyong ‘Available/Naka-stake’ (larawan 2). Ang Available ay kung ano ang available na magamit mo na kasalukuyang nasa iyong wallet at ang Naka-stake ay ang iyong kabuuang naka-lock sa pag-stake.
Huwag kalimutan, hindi mo magagamit ang iyong mga token habang naka-stake/naka-lock ang mga ito sa Polkadot blockchain sa mga napili mong validator.
Maghintay ng Kumpirmasyon
Pagkatapos isumite ang transaksyon, hintayin itong maproseso at makumpirma ng Polkadot blockchain. May lalabas na transaksyon ng pag-stake sa listahan ng transaksyon. Bumalik sa screen ng Status ng pag-stake para makita ang kasalukuyang pangkalahatang-ideya ng mga naka-stake na token.
Mga Reward sa Pag-stake
Tumutulong ang mga validator at delegator na i-secure ang network sa pamamagitan ng pag-stake at kung minsan ay maniningil sila ng komisyon para sa kanilang mga serbisyo. Hindi ito kinokontrol ng Trust Wallet, at hindi rin kumukuha ang Trust Wallet ng anumang parte sa komisyong ito.
Makikita ang APY% mula sa bawat validator ng DOT bago ka magpasyang mag-stake.
May pagkakumplikado ang mekanismo ng pag-stake ng Polkadot at baka hindi ka laging makatanggap ng mga reward. Hindi ito kontrolado ng Trust Wallet at dahil ito sa paraan ng pagpapatakbo ng Polkadot chain. Magbasa pa para malaman kung bakit nga ba ito ganito, kung paano nga ba ito gumagana, at kung paano mapataas ang tsansa mong makatanggap ng mga reward.
Paano ba gumagana ang pag-stake ng Polkadot?
Kumplikado ang pag-stake ng Polkadot sa teknikal na paraan, pero ito ay para matiyak ang seguridad at pagiging patas ng blockchain, pati na rin masigurado ang desentralisasyon ng NPoS (Nominated Proof of Stake) system.
Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag lang namin kung ano ang kailangan mong malaman tungkol sa pag-stake ng DOT sa Trust Wallet (at bibigyan ka namin ng ilan pang dagdag na babasahin kung gusto mo TALAGANG pag-aralan nang detalyado ang mga teknikal na aspeto nito).
10 DOT ang minimum na kinakailangan para sa pag-stake ng Polkadot. Kapag naka-stake na ang mga DOT token, mala-lock ito sa mga napili mong validator. Puwede mong italaga ulit ang iyong DOT (pumili ng mga bagong validator) at puwede ka ring magdagdag pa ng DOT na ise-stake bukod pa sa naka-stake mo nang DOT anumang oras.
MAHALAGA: Hindi lahat ng nominator na may mahigit 10 DOT ay makakakuha ng mga reward sa pag-stake. Ang minimum na halagang kailangan para makakuha ng mga reward ay puwedeng magbago at makikita sa page na Targets sa UI ng Polkadot-JS.
Ang mga reward ay tutukuyin ng mga validator kung kanino mo piniling mag-stake. Anumang reward na matatanggap mo nga ay lalabas sa balanse sa iyong wallet nang hindi bibilis sa bawat 24 na oras.
Gayunpaman, hindi mo mawi-withdraw ang iyong mga token habang naka-stake ang mga ito. Kung gusto mong i-withdraw ang iyong DOT, inaabot nang 28 araw bago ma-unstake ang mga naka-stake na DOT.
TANDAAN: Hindi ito isang bagay na kinokontrol ng Trust Wallet. Ito ang katangian ng pag-stake ng Polkadot at sine-secure ito ng mga validator.
Mga nangungunang tip para sa pag-stake ng DOT (mas matataas na tsansa ng mga reward!)
Sa madaling sabi, kapag nag-stake ka ng DOT sa mga validator, nagkakaroon ka ng tsansang makakuha ng reward.
Bahagi ka ng isang sistema ng reward kung saan vine-verify ang mga transaksyon sa blockchain. Random na pumipili ng validator para mag-verify ng transaksyon at makatanggap ng reward. Kung ise-stake mo ang iyong mga token sa validator na iyon, makakakuha ka ng parte sa reward na iyon! Kaya naman, kapag mas marami kang validator na pinagbahagian ng DOT mo, mas malaki ang tsansang magkaroon ka ng parte sa reward!
Sabi nga nila… huwag itodo ang pusta sa iisa. Maligayang pag-trade!
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day