Paano Mag-stake ng Solana (SOL) sa Trust Wallet

Nagbibigay-daan na ngayon ang Trust Wallet sa mga user na native na mag-stake ng mga Solana token at makakuha ng mga reward sa loob ng kanilang mobile wallet, ibig sabihin, mas madali at mas secure ito.

Sumusuporta ang Trust Wallet sa 64 na iba’t ibang blockchain at 3M+ digital asset, na nagbibigay sa mga user ng one-stop-shop para sa paghawak, pag-stake, at paggamit ng mga paborito nilang cryptocurrency at NFT.

Wala ka bang Trust Wallet…? :arrow_right: [I-download mo na rito!]

Bakit Dapat Mag-stake ng Solana sa Trust Wallet?

  • Dahil higit sa lahat, ang Trust Wallet ay multi-chain, mas madaling matuklasan ang pinakamataas na APY% sa iba’t ibang chain at validator, mag-stake sa ilang pag-click, at makakita ng mga reward sa pag-stake sa iba’t ibang token sa iisang wallet.
  • Sa native na pag-stake ng Solana, nawawala ang bayaring nakikita mo sa iba pang wallet, dahil marami sa mga ito ang umaasa sa mga external na protocol o smart contract.
  • Kapag may Solana ka na sa iyong wallet, puwede ka nang magsimulang mag-stake sa 3 pag-tap.

Ang Solana Token

Ang SOL ay ang governance token ng Solana. Ang Solana ay isang pampublikong open-source na blockchain na sumusuporta sa mga smart contract, kasama na ang mga non-fungible token (NFT) at iba’t ibang decentralized application (DApp). Sinasabi nito na mas mabilis ang mga transaksyon at mas mababa ang gastusin sa transaksyon nito kaysa sa pangunahhin nitong kakumpitensya, ang Ethereum.

May 2 pinaggagamitan ang SOL token:

  • Pag-stake sa mga validator
  • Pagbabayad para sa bayaring ginagamit para sa pagpapatakbo ng mga smart contract at iba pang transaksyon

Gumagana ang Solana sa proof-of-stake (PoS), pati na rin bilang inobasyon ng Solana para sa pagsubaybay sa oras na tinatawag na proof-of-history (PoH). Iba ang proof-of-stake kaysa sa proof-of-work (na umaasa sa paglutas ng mga minero ng mga puzzle na mahirap sa cryptographic na paraan para makapagmina ng mga block); sa halip, umaasa ang proof-of-stake sa mga delegasyon ng pag-stake sa mga validator para matukoy kung aling validator ang makakapagmungkahi ng mga bagong block. Ang proof-of-history ay isang paraan para sa pagpapatunay na anumang partikular na transaksyon ay ang tamang pagkakasunod-sunod at itinatag ng tamang ‘leader.’


Tungkol sa Pag-stake ng Solana

Disclaimer!

Tandaan na may mga panganib kapag na-stake mo ang iyong mga token.

Basahin ang Mga Panganib ng Pag-stake para matuto pa.

Puwedeng i-stake ng mga may hawak ng SOL ng kanilang SOL sa mga validator. Para makalahok sa pag-stake, kailangan mong magkaroon ng SOL sa iyong wallet. Puwede kang mag-stake ng minimum na 0.01 SOL. Siguraduhin na mayroon kang kaunting sobrang token na kakailanganin para sa bayarin sa Network.

Iniaalok ng Trust Wallet sa mga validator ang pinakamatataas na rate ng APY at puwede pa itong i-filter gamit ang tool sa pagpili ng validator.

Sinumang validator ng Sol ay makakapagsumite ng kahilingan para maging validator sa Trust Wallet. May proseso sa Github ng Trust Wallet dito, kung saan mo puwedeng isumite ang iyong pull request at may maliit na bayad na kailangang bayaran (700 $TWT) na siya namang ibu-burn.


Ano ang SOL Epoch at paano ito makakaapekto sa pag-stake ko?

Nangyayari ang pag-stake at pag-unstake ng SOL sa katapusan ng kasalukuyang epoch na humigit-kumulang bawat 3 araw. Kaya naman, kapag nagse-stake, tandaan na mala-lock ang iyong mga pondo nang minimum na 6 na araw.

Magsisimula ka lang kumita ng SOL kapag nangyari ang susunod na epoch, ibig sabihin, kung ise-stake mo ang iyong SOL sa umpisa ng isang epoch, puwedeng abutin nang hanggang 3 days bago mo masimulang makuha ang APY na iniaalok ng napili mong validator.

Idaragdag sa iyong mga reward sa pag-stake sa prinsipal mong na-stake na balanse ng SOL sa umpisa ng susunod na epoch (ibig sabihin, ise-stake din at magko-compound ng interes ang iyong mga reward).

Maghihintay ka ng maximum na 6 na araw para makita mong maidagdag sa iyong balanse ang mga una mong reward sa pag-stake.

Katulad sa pag-stake, makukumpleto rin ang pag-unstake sa susunod na epoch. Kaya, kakailanganin mong maghintay nang maximum na 3 araw hanggang sa maging available ang iyong balanse kung nakakatanggap ka ng mga reward sa pag-stake ng SOL.

Paalala:

Kapag na-stake na ang mga SOL token, mala-lock ito sa pinili mong validator hanggang sa susunod na EPOCH. Ang na-stake na SOL ay inaabot nang hanggang 3 araw bago ma-unstake. Hindi maililipat ang iyong mga token habang naka-stake ang mga ito.

Ang mekanismo ng epoch ay may natatanging bentahe para sa mga taong nagse-stake ng kanilang SOL, pero pagkatapos ay nagpapasyang i-unstake ito agad-agad bago mangyari ang unang epoch kung saan kasama ang kanilang mga pondo.

Kung magpapasya ang isang user na gawin ito, hindi mala-lock ang kanyang mga pondong SOL at mawi-withdraw niya iyon agad (pero siyempre, hindi siya makakatanggap ng anumang reward sa pag-stake ng SOL para sa yugtong iyon).

Nag-develop ang Trust Wallet ng naka-built in na kalendaryo ng epoch na makikita sa app. Sasabihin nito sa iyo ang tinantyang tagal hanggang sa susunod na epoch, +/- ilang oras.

May sariling kalendary ng epoch ang Solana na makikita rito: https://explorer.solana.com/


Paano Mag-stake ng Solana sa iyong Trust Wallet

I-tap ang button na Mag-stake para buksan ang menu ng Pag-stake. Mag-tap sa menu ng Pag-stake para magpatuloy.

Sol1

Pumili ng Validator

Mag-tap sa arrow para makita ang listahan ng mga Aktibong validator. Pumili ng isa para magpatuloy.

iphone-12-pro--graphiteVALILIST

iphone-12-pro--graphiteChosenVali

Ilagay ang Halaga ng SOL

Ilagay ang halaga ng SOL na gusto mong i-stake. Laging mag-iwan ng ilang token para sa bayarin sa pag-stake/pag-unstake. I-tap ang Susunod para magpatuloy. Suriin ang transaksyon at pagkatapos ay i-tap ang Kumpirmahin.

Paalala:

Kapag na-stake na ang mga SOL token at nangyari na ang unang epoch, mala-lock ito sa unang validator na pinili mo. Ang na-stake na SOL ay inaabot nang hanggang 3 araw bago ma-unstake. Hindi maililipat ang iyong mga token habang naka-stake ang mga ito.

iphone-12-pro--graphite@2x

iphone-12-pro--graphitestakedone

iphone-12-pro--graphitefinishedpopup

Maghintay ng Kumpirmasyon

Pagkatapos isumite ang transaksyon, hintayin itong maproseso at makumpirma ng Solana blockchain. May lalabas na transaksyon ng pag-stake sa listahan ng transaksyon. Bumalik sa screen ng Status ng pag-stake para makita ang kasalukuyang pangkalahatang-ideya ng mga naka-stake na token.

Mga Reward sa Pag-stake

Kung minsan, ang mga validator at delegator na tumutulong na i-secure ang network sa pamamagitan ng pag-stake ay maniningil ng komisyon para sa kanilang mga serbisyo. Hindi ito kinokontrol ng Trust Wallet, at hindi rin kumukuha ang Trust Wallet ng anumang parte sa komisyong ito.

Makikita ang APY% mula sa bawat validator ng SOL bago ka magpasyang mag-stake.

Paalala:

Kakailanganin mong piliin ang ‘i-claim ang mga reward’ para maibalik ang iyong SOL at maging available ito sa wallet mo. Tingnan sa ibaba.


Gusto mo bang mag-stake ng Solana sa Trust Wallet, pero wala ka pang Solana, o ng app? [I-download ito ngayon nang libre dito] para bumili at mag-stake ng Solana sa Trust Wallet mismo.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day