Paano Mag-stake ng TRON (TRX) sa Trust Wallet

Disclaimer!

Tandaan na may mga panganib kapag na-stake mo ang iyong mga token.

Basahin ang Mga Panganib ng Pag-stake para matuto pa.

Ano ang TRON?

Ang TRON ay isang nagpupursiging proyekto na nakatuon sa pagtatakda ng tunay na desentralisadong Internet at ng imprastruktura nito. Ang TRON Protocol, na isa sa pinakamalalaking operating system na nakabatay sa blockchain sa mundo, ay nag-aalok ng batayang suporta sa pampublikong blockchain na may mataas na throughput, mataas na scalability, at mataas na availability para sa lahat ng desentralisadong application sa TRON ecosystem.

Ano ang Tronix (TRX)?

Magagamit ang native coin (TRX) ng mga consumer ng content para bayaran ang mga creator para sa mga asset sa laro, o para gamitin bilang currency sa paglalaro o bigyan ng reward ang mga creator nang direkta para sa kanilang content ng entertainment o para bumili ng karagdagang access. Magagamit naman ang coin ng mga creator ng content para magbayad ng iba’t ibang serbisyo sa network.

Super Representative

Sa TRON network, anumang account ay makakapag-apply para maging kandidato sa pagiging super representative. Makakaboto ang bawwat account para sa mga kandidato sa pagiging super representative. Ang nangungunang 27 kandidato na may pinakamaraming boto ang mga super representative. Ang nangungunang 127 kandidato (kasama ang 27 SR) ay puwedeng mabigyan ng award ayon sa kanilang rate ng pagboto. Magkakaroon ng obligasyon ang mga super representative na bumuo ng mga block at mag-package ng mga transaksyon, pati na rin ng mga kaukulang reward sa pagboto at reward ng block.

Pagboto

Puwedeng iboto ng bawat account sa network ng TRON ang mga Super Representative na sinusuportahan nila. Sa pagboto, kailangan ng TRON Power (TP), na tinutukoy ng naka-freeze na balanse ng mga user. Humahantong ang pag-freeze (pag-stake) ng mga TRX token sa energy at bandwidth na kinakailangan para maayos na makipag-interact sa network pati na rin sa pagtaas ng kapangyarihan sa pagboto para sa mga Super Representative.

Pagkalkula sa TP: 1 TP para sa 1 naka-freeze na TRX

Paano Kinakalkula ang mga Reward?

Ang mga reward sa pag-stake ay ipinapamahagi ng mga Super Representative depende sa mga panuntunang itinakda nila Makikita ang higit pang impormasyon sa pamamagitan ng pagsali sa group ng TRON sa Telegram o sa pamamagitan ng pagbisita sa link sa ibaba. Mga Super Representative

Puwede kang pumunta sa TRX Staking Calculator ng StakingRewards para malaman ang mga potensyal na reward.

Paano Mag-stake ng TRON (TRX) sa Trust Wallet

Hakbang 1 - Ihanda ang iyong mga TRX token

Kumuha ng TRX sa mga palitan at ideposito ito sa iyong TRON Wallet. Buksan ito para kumpirmahin na ipinapakita nang tama ang iyong balanse. Mula sa pangunahing screen ng wallet, puwede ka ring pumunta tab na Pananalapi para makita ang lahat ng available na token na puwedeng i-stake sa iyong Trust Wallet. Makikita mo rin dito ang TRON (TRX), i-tap ito para pumunta nang direkta sa TRON Wallet.

image

image

Tip!

Kung hindi mo nakikita ang TRX sa iyong wallet, i-tap ang “+” sign sa kanang bahagi sa itaas at hanapin ang TRX, pagkatapos ay gamitin ang toggle para idagdag ang token.

Hakbang 2 - I-access ang Menu ng Pag-stake

I-tap ang Higit pa para i-access ang Menu ng Pag-stake. Makikita mo rito ang mga sumusunod na opsyon:

  • Mga Detalye ng Pag-stake - Tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa pag-stake ng TRON at sa kasalukuyang status ng pag-stake.
  • Mag-stake - Dadalhin ka nito sa inisyal na screen ng pag-stake.
  • Mag-unstake - Pumunta rito kung gusto mong i-unstake ang iyong mga token at huminto sa pagkuha ng mga reward.
  • Mag-claim ng mga Reward - I-claim ang mga nabuong reward sa pamamagitan ng pag-stake.

image

Hakbang 3 - Pumili ng Validator

Ilagay ang halagang gusto mong i-stake o mag-tap sa Max para piliin ang lahat ng token. 1 TRX ang minimum na halaga. Kailangan mong magkaroon ng ilang available na token para sa bayarin, na hindi bababa sa 1 TRX. Pumili ng gusto mong Validator, pagkatapos ay i-tap ang Susunod.

image

image

Babala!

Bago ka magpatuloy, tandaan ang sumusunod:

  • Mafi-freeze nang 3 araw ang iyong TRX.
  • Hindi mo magagalaw/maililipat ang iyong mga naka-freeze na TRX token.
  • Pagkalipas ng 3 araw, puwede mong i-unfreeze ang iyong mga token. Puwede mo ring hayaang naka-freeze ang mga ito para patuloy kang makakua ng mga reward.
  • Kapag nag-freeze ka ng mga karagdagang token, mare-reset ang 3 araw na tagal ng pag-freeze.

Hakbang 4 - Ipadala ang Transaksyon sa Network

Suriin ang mga detalye ng transaksyon. I-tap ang Ipadala kapag handa ka nang magpatuloy.

Awtomatikong babalik ang screen sa TRX wallet. May lalabas na mensaheng Nakabinbin habang kinukumpirma ng network ang transaksyon.

image

image

Hakbang 5 - Kumpirmahin ang Transaksyon

Kapag tapos na ang proseso ng pag-stake, awtomatikong ipapakita ng TRON wallet ang mga token na Naka-stake at Naka-freeze. Puwede mo pa itong i-verify sa pamamagitan ng pag-tap sa Higit pa at pagkatapos ay pag-tap sa Mga Detalye ng Pag-stake. Binabati ka namin, sine-stake mo na ang iyong mga TRX token.

image

image

Puwede mong tingnan ang status ng iyong pag-stake sa pamamagitan ng pagpunta sa explorer na ito: https://tronscan.org/ at pagkatapos ay hanapin ang iyong Tron address.

Paano Tingnan ang TRON Blockchain Explorer

Sa pamamagitan ng Trust Wallet

Sa iyong TRON wallet, i-tap ang Mga detalye ng transaksyon na may nakalagay na Mag-stake.

image

image

Susunod, i-tap ang Higit pang Detalye. Bubukasan nito ang Tronscan at magbibigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa command na pag-stake.

image

Puwede mo ring hanapin ang iyong TRX address para makakuha ng pangkalahatang-ideya ng account.

image

Sa pamamagitan ng Desktop Browser

Puwede mo ring tingnan ang status ng iyong pag-stake sa pamamagitan ng pagpunta sa explorer na ito: https://tronscan.org at pagkatapos ay hanapin ang iyong TRX address.

image

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day