Paano Magdagdag ng Custom na Network sa Trust Wallet Mobile App

Malaki ang idinulot na pagbabago ng compatibility sa EVM sa mga sikat na Layer 1 na blockchain gaya ng Avalanche, BNB Smart Chain, Polygon, at higit pa. Binabawasan ng Ethereum Virtual Machine (EVM) ang mga hadlang sa pagpasok sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga developer na mag-deploy ng mga smart contract sa mga bagong network na ito nang wala masyadong abala.

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng custom na EVM network sa Trust Wallet, puwede kang mag-store, magpadala, tumanggap ng mga coin at token, at pati kumonekta sa mga Web3 decentralized application (dApp) sa network na iyon.

image

image

Tandaan:

Puwedeng magsinungaling ang isang nakakapinsalang network provider tungkol sa katayuan ng blockchain at puwede nitong irekord ang aktibidad mo sa network. Mga pinagkakatiwalaan mo lang na custom na network ang idagdag mo.

Hakbang 1: Kunin ang Impormasyon ng Network

Gamit ang Chainlist, hanapin ang chain na idaragdag mo. Kailangan mong hanapin ang url ng RPC node na may status na kulay berde.

image

Hakbang 2: Buksan ang Screen ng Custom na Network

Buksan ang Trust Wallet Mobile App. Piliin ang icon na mamahala ng mga asset sa kanang sulok sa itaas mula sa pangunahing page ng wallet.

Pagkatapos, piliin ang button na ‘+’.

Lumipat sa tab na ‘Network’ kapag lumabas ang page ng custom na Token/Network.

image

Hakbang 3: Ilagay ang mga Detalye ng Network

Siguraduhin na ang tamang Network ang napili mo. Para sa gabay na ito, kailangan nating magkaroon ng EVM sa sinusuportahang Network, dahil nakabatay ito sa EVM.

image

Mahalaga!

Siguraduhing tama ang impormasyon ng network, at pinagkakatiwalaang url ng RPC node lang ang idagdag.

Hakbang 4: Matagumpay na Naidagdag ang Network

At tapos na! Matagumpay kang nakapagdagdag ng Custom na Network.

Tandaan: Kung hindi pa na-verify ang chain sa repository ng asset sa Trust Wallet, hindi lalabas ang impormasyon at icon ng presyo.

image

Tip:

Gamitin ang Chainlist app para awtomatikong idagdag ang network.

Para gawin iyon, buksan ang web app na ito sa dApp browser, piliin ang kumonekta, piliin ang chain, at piliin ang Idagdag sa Trust Wallet.

image

image

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day