Paano Magdagdag ng Custom na Token

Ang mga token ay mga Digital Asset na ginawa sa application sa isang partikular na blockchain. Sumusuporta ang Trust Wallet sa ilang blockchain kung saan nag-iisyu ng mga token. Ilang halimbawa ang ERC20 sa Ethereum Network, BEP20 sa Binance Smart Chain, at mga SPL token sa Solana blockchain.

image

image

Tandaan:

Naaangkop lang ang mga sumusunod na hakbang kung ang token na ipinadala ay nasa isang blockchain na sinusuportahan ng app. Dapat ding kumpirmahin ang transaksyon sa explorer ng blockchain. Kapag walang nakumpirmang transaksyon, walang matatanggap na token sa iyong wallet. Puwede kang sumangguni sa gabay na ito para sa karagdagang impormasyon.

Kapag matagumpay na naipadala sa wallet ang isang token at hindi ito lumalabas, puwede itong manu-manong idagdag bilang Custom na Token. Para sa gabay na ito, susubukan nating magdagdag ng BEP20 token na nasa Binance Smart Chain.

Hakbang 1. Hanapin ang Token

I-tap ang toggle sign sa kanang sulok sa itaas ng pangunahing screen ng Wallet. Hanapin ang token, at kung hindi available ang token, may makikita kang mensaheng “Walang Nahanap na Asset” na may button na Magdagdag ng Custom na Token.

image

Hakbang 2. Kunin ang Impormasyon ng Token

Gamit ang BSCScan, hanapin ang token na idaragdag mo. Kailangan mong hanapin ang Contract Address.

Halimbawa:

EverETH Token: https://bscscan.com/address/0x16dcc0ec78e91e868dca64be86aec62bf7c61037

image

Tip:

Kung mayroon kang isa pang device, subukang kunin ang QR code ng Contract Address ng token. Ito ang pinakamadaling paraan para idagdag ang token sa iyong wallet. May button doon na puwede mong i-click para ipakita ang QR code. Magagamit ito sa susunod na hakbang.

image

image

image1388×419 60.6 KB

Hakbang 3. Ilagay ang mga Detalye ng Token

I-tap ang button na Magdagdag ng Custom na Token, pagkatapos ay siguraduhin na ang tamang Network ang napili mo. Para sa gabay na ito, kailangan nating piliin ang Smart Chain sa sinusuportahang Network, dahil isa itong token na nasa Binance Smart Chain.

image

image

Tip:

Gamitin ang iyong QR code scanner para madali mong makuha ang lahat ng detalye ng token.

Para gawin iyon, i-tap ang icon ng “Scanner” sa tabi ng “I-paste.”

image

Pagkatapos i-paste o i-scan ang Contract Address, awtomatikong mapupunan ang iba pang detalye gaya ng Pangalan, Simbolo, at Mga Decimal. Kung hindi, manu-manong ilagay ang mga iyon. I-tap ang [I-save] para magpatuloy.

Mahalaga!

Siguraduhing tama ang impormasyon. Mga maling balanse ang ipapakita ng app kung hindi maayos na mapupunan ang mga ito.

Hakbang 4. Matagumpay na Naidagdag ang Token

Matagumpay ka nang nakapagdagdag ng Custom na Token. Kung hindi pa nakalista ang token sa CoinMarketCap, hindi lalabas ang impormasyon ng presyo.

image

image420×828 70.4 KB

Hakbang 5. Hilinging I-update ang Impormasyon ng Token

Puwede mong ipadagdag ang impormasyon ng token sa codebase. Tingnan ang mga tagubilin sa Paano Magsumite ng Logo ng Token.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day