Paano Maglipat ng Crypto sa Trust Wallet Gamit ang Binance Pay

trustwallet-binancepay

Gamit ang Binance Pay, walang aberya kang makakapaglipat ng crypto mula sa Binance papunta mismo sa iyong Trust Wallet. Narito ang maikling checklist ng kakailanganin mo para magamit ang feature na ito:

  • Trust Wallet mobile app
  • Isang account sa palitan ng Binance

Siguraduhing i-update ang iyong Trust Wallet mobile app sa pinakabagong bersyon para makatulong na makaiwas sa anumang isyu.

Kung wala ka pang Trust Wallet, puwede mong i-download ang app dito.

Bakit nag-integrate ang Trust Wallet sa Binance Pay?

Nagbibigay ang integration ng solusyon sa maraming isyu na nararanasan ng mga user ng Trust Wallet, lalo na ng mga baguhan, kapag naglilipat ng crypto mula sa mga centralized exchange. Dati, napakahaba ng prosesong ito, dahil kailangan ng mga user na manu-manong maglagay ng mga address, magpalipat-lipat sa mga app, at piliin ang naaangkop na network para kumumpleto ng paglilipat. Sa bagong integration na ito, hindi na kailangang maglagay o mag-scan ng anumang address ang mga user. Makakapaglipat sila ng crypto sa ilang madaling hakbang dahil lahat ito ay ginagawa nang awtomatiko, na magbibigay-daan sa iyong direktang magdeposito ng crypto sa Trust Wallet mula sa iyong Binance Pay account at madaling makapag-access at makipag-interact sa mga web3 dApp.

Narito ang maikling gabay na magpapakita kung paano gamitin ang Trust Wallet para maglipat ng crypto mula sa iyong Binance Pay account papunta sa Trust Wallet.

Una, siguraduhing mayroon kang account sa Binance

Para makagamit ng Binance Pay, kakailanganin mo munang magkaroon ng account sa palitan ng Binance. Madali kang makakagawa ng account sa Binance sa pamamagitan ng pagbisita sa binance.com o i-download ang Binance app sa Apple App Store o Google Play.

Hakbang 1: I-access ang iyong Trust Wallet at piliin ang button na ‘Tumanggap,’ pagkatapos ay piliin ang napiling crypto na gusto mong ilipat. Gagamitin natin ang BNB Chain para sa halimbawang ito.

step1-transfer-crypto-from-binancepay-trustwallet

Hakbang 2: Piliin ang opsyong ‘Magdeposito mula sa palitan’ sa ibaba sa page na tumanggap, pagkatapos ay piliin ang ‘Binance’

step2-transfer-crypto-from-binancepay-trustwallet

Hakbang 3: Piliin ang halaga ng BNB na gusto mong ilipat at pagkatapos ay piliin ang ‘Kumpirmahin.’ Kakailanganin mo nang ilagay ang iyong Pay PIN.

step3-transfer-crypto-from-binancepay-trustwallet

Hakbang 4: Magsisimulang maproseso ang paglilipat at papabuksan nito sa iyo ang Trust Wallet app mo.

step4-transfer-crypto-from-binancepay-trustwallet

Hakbang 5: Pagkalipas ng ilang segundo, makakatanggap ka ng push notification sa iyong Trust Wallet na naglalaman ng mga detalye ng iyong transaksyon.

step5-transfer-crypto-from-binancepay-trustwallet

Tapos na! Mag-enjoy sa napakadaling pagdeposito ng crypto mula sa iyong Binance Pay account papunta sa Trust Wallet mo.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino

1 Like