Paano tumukoy ng mga nakakapinsalang DApp?

header

Huwag magpa-scam!

Alamin kung ano ang mga uri ng mga nakakapinsalang DApp para maprotektahan ang mahahalaga mong asset.

Talaan ng nilalaman:


Pekeng pagmimina ng liquidity sa DeFi

Ang masasamang loob ay nagpapadala ng mga pribadong mensahe sa mga bibiktimahin para makumbinsi silang “mamuhunan.”

image

Mga larawan mula sa Sophos: https://news.sophos.com/en-us/2022/05/17/liquidity-mining-scams-add-another-layer-to-cryptocurrency-crime/ 5

Kung bubuksan mo ang DApp, papakitaan ka ng tinatawag na data ng “pool ng pagmimina” para maloko ka nila na totoo ang nakikita mo.

image

Kung makikipagtransaksyon ka sa mapaminsalang DApp, magbibigay ka ng walang limitasyong pag-apruba ng mga token (kadalasang USDT, USDC, BUSD, DAI) sa wallet o smart contract ng scammer.

image

Kung kukumpirmahin mo ang transaksyon, makukuha na lang basta ng scammer ang iyong mga token kahit kailan. Kaya naman nagtataka ang mga biktima kung bakit bigla at random na lalng na nawala ang kanilang mga token.

Hindi inirerekomenda ang pakikipag-ugnayan sa tinatawag na “customer support” nila; hihingian ka lang nila ng dagdag pa para “ma-unlock/ma-unfreeze” ang iyong “account.” Huwag na huwag kang magpapadala sa kanila ng kahit ano!

image

Larawang ibinigay ng isang biktima

Nag-isyu rin ang FBI (Internet Crime Complaint Center [IC3]) ng babala tungkol sa ganitong uri ng scam: Internet Crime Complaint Center (IC3) | Scammers Target and Exploit Owners of Cryptocurrencies in Liquidity Mining Scam

Pekeng pag-trade/arbitrage/pagpapahiram ng AI

Katulad ng nasa itaas, nakikipag-ugnayan din ang masasamang loob sa mga bibiktimahin.

Para sa nakakapinsalang DApp na ito, pinapangakuan ka na kikita ka dahil sa kanilang paraan ng pag-trade/arbitrage/pagpapahiram ng AI.

fake-trading

Tulad na lang ng scam na nabanggit kanina, gusto rin nilang makakuha ng pag-apruba para sa iyong mga token. Kaya huwag na huwag mo itong aaprubahan at huwag ka nang makipag-interact sa scam na site!

Wallet drainer - pekeng pag-mint/airdrop ng NFT

Random ka bang na-tag sa Twitter, tulad nito?

image

O baka biglang nag-post ng link sa pag-mint ang paborito mong Discord server/Twitter/Instagram?

ato-wallet-drainer

Mag-ingat ka, at huwag kang magpaapekto sa FOMO! Epektibo ang mga wallet drainer sa pagnanakaw ng mga token at NFT ng isang biktima (kaya “drainer” ang tawag).

Huwag pumirma sa:

  • pag-apruba ng token at NFT
    token-and-nft-approval
  • hindi nababasang pirma
    image
  • Pirma sa OpenSea Seaport (maliban na lang kung talagang sinusubukan mong ibenta ang iyong NFT sa OpenSea)
    image

Ano ang dapat kong gawin kung nakapirma/nagkumpirma na ako sa mga nakakapinsalang transaksyon?

Bawiin agad ang pag-apruba sa token at NFT

Dagdagan ang counter/nonce para i-invalidate ang mga listing/alok ng NFT

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino

1 Like