Ang recovery phrase ay isang napakahalagang elemento para sa seguridad ng iyong Trust Wallet. Kung mawawala, masisira, o mananakaw ang iyong device, puwede mong gamitin ang iyong recovery phrase para i-restore ang access sa iyong buong wallet. Samakatuwid, mahalagang panatilihing ligtas ang iyong recovery phrase o mga pribadong key.
Pinakamahuhusay na kagawian:
- Isulat ito sa isang pirasong papel at i-store ito sa ligtas at secure na lugar. Kung naghahanap ka ng mas matibay sa papel, inirerekomenda naming gumamit ka ng CRYPTOTAG.
- I-store ito sa loob ng isang Password Manager. Kung hindi ka pa gumagamit nito, dapat siguro ay gawin mo iyon. Iso-store ang iyong recovery phrase sa loob ng naka-encrypt na data nang lokal sa device ng user o nang remote sa pamamagitan ng isang online na serbisyo sa cloud. Ligtas na opsyon ang mga solusyong tulad ng Lastpass, 1Password, o KeePassXC.
- Gamit ang mga app para sa pagsusulat ng note gaya ng Notes para sa iOS, Samsung Notes para sa Android o OneNote, makakagawa ka ng mga note na protektado ng password. Kung ayaw mong gumamit ng Password Manager, puwede mo rin itong i-store sa loob ng isang note na protektado ng password (at naka-encrypt).
Mahalaga ang redundancy: I-store ang iyong recovery phrase sa iba’t ibang lugar para magkaroon ka ng backup ng iyong backup. Puwedeng masira sa aksidente ang isang backup, pero malabong maapektuhan nito ang isa pa kung nasa magkaibang lokasyon ang mga ito.
Narito ang isa pang magandang babasahin para sa pagpapanatiling secure ng iyong wallet: