Excited kaming magpakilala ng isa pang feature ng Trust Wallet na ginagawang mas madali at mas ligtas ang pag-access sa Web3! Sa loob ng susunod na ilang linggo, maglulunsad kami ng bagong feature na pag-back up sa cloud, na magbibigay-daan sa iyong madaling makapag-store ng naka-encrypt na backup ng secret phrase na may 12 salita ng iyong wallet sa cloud account mo.
Ang iyong secret phrase ay ang master key ng account mo, na nagbibigay sa iyo ng kumpletong kontrol at access sa mga digital asset mo. At sa bagong feature na pag-back up sa cloud, walang aberya mo na ngayong mapapamahalaan ang iyong secret phrase.
Ano ang Trust Wallet?
Ang Trust Wallet, na ginagamit ng mahigit 60 milyong tao, ay isang madaling gamiting self-custody wallet na nagbibigay-daan sa iyong mag-store at mamahala ng mahigit 9 na milyong crypto asset kasama na ang mga NFT sa 70+ blockchain. Gamitin ang app para bumili ng crypto, mag-swap ng mga token, makakuha ng mga reward, ligtas na i-explore ang mga Web3 dApp, at higit pa.
Isang maginhawang paraan ng pag-back up at pag-recover para sa iyong wallet
Bawat crypto wallet ay may secret phrase (na tinatawag ding seed phrase o recovery phrase) na nagse-secure ng mga pribadong key nito, at nagbibigay sa may-ari ng wallet ng kumpletong access at kontrol sa mga asset. Pero kung mawawala mo ang iyong secret phrase, may panganib na mawala sa iyo ang lahat ng asset na nasa wallet mo. Sa katunayan, ayon sa data mula sa Chainalysis, 20% ng lahat ng Bitcoin ang nawala dahil sa mga nakalimutan o nawalang secret phrase.
Idinisenyo ng aming bagong feature na pag-back up sa cloud para tumulong na bawasan ang panganib na mawala mo ang iyong secret phrase, at para mas mapadali ang proseso ng pamamahala dito. Wala na ngayong aberya ang pag-back up ng iyong secret phrase sa Trust Wallet – pati na rin ang pag-recover ng iyong wallet kung sakaling mawalan ka ng acccess sa app o kung gusto mo lang i-import ang iyong wallet sa ibang device.
Gamitin ang bagong feature na pag-back up sa cloud ng Trust Wallet para:
- Mas madali at mas mabilis na makagawa ng bagong wallet sa secure na paraan
- Mag-store ng naka-encrypt na backup ng iyong secret phrase na ikaw lang ang may access
- Mag-access ng walang aberya at secure na online na tool sa pag-recover para sa iyong wallet
Ang iyong backup sa cloud ay sine-secure ng password ng pag-encrypt na itatakda mo. Ginagamit ang password na ito para i-encrypt ang backup file ng iyong secret phrase at para matiyak na ikaw lang ang makakapag-decrypt o makakapag-restore ng iyong wallet.
Pagsisimula sa feature na pag-back up sa cloud ng Trust Wallet
May dalawang paraan para i-access ang feature na naka-encrypt na pag-back up sa cloud sa Trust Wallet mobile app:
- Kapag gumagawa ng bagong wallet.
- Sa pamamagitan ng mga setting ng iyong wallet, kung mayroon ka nang aktibong wallet.
Para magsimula sa feature na pag-back up sa cloud:
- Kunin ang pinakabagong bersyon ng Trust Wallet para sa iyong device dito: trustwallet.com/download
- Gamitin ang aming komprehensibong gabay sa pag-back up sa cloud para sa iOS at Android
Paggawang mas madali at mas ligtas na gamitin ang Web3
Ang iyong secret phrase ay ang master key sa iyong wallet, at mahalagang secure itong ma-back up para mapanatiling secure ang iyong crypto. Gamitin ang feature na pag-back up sa cloud para walang aberyang makapag-store ng naka-encrypt na backup ng iyong secret phrase sa cloud, agaran at secure na ma-recover ang iyong wallet, at ma-import ang wallet mo sa bagong device sa ilang hakbang lang.
Ilulunsad namin ang feature na ito sa loob ng susunod na ilang linggo kaya siguraduhing i-install ang pinakabagong bersyon ng Trust Wallet app ngayon para magkaroon ng access.
At siguraduhing manatiling nakakonekta at i-follow kami sa Twitter @TrustWallet habang patuloy naming ginagawang mas madali at mas ligtas na gamitin ang Web3.