Ang Panganib ng Paggamit ng Mga DApp

Ano ang DApp?

Ang decentralized application (DApp 757, dApp, Dapp, o dapp) ay mga application na gumagana sa isang distributed computing system. Karamihan ng mga kasalukuyang DApp ay gumagamit na ngayon ng distributed ledger technology (DLT) gaya ng Ethereum Blockchain. Kadalasan, tinutukoy ang mga DApp bilang mga smart contract.

Ang mga DApp ay puwedeng nasa anyo ng mga Decentralized exchange, platform sa pagpapahiram, social network, at pati na rin mga laro.

Matuto pa tungkol sa mga DApp dito: Ano ang DApp? 605

Paano gumagana ang DApp?

Nagbibigay ang mga creator ng DApp sa mga user ng access sa kanilang platform sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ito bilang mga smart contract. Ang ilang halimbawa ay Uniswap sa Ethereum Network at PancakeSwap sa Binance Smart Chain. Nagbibigay-daan ang Trust Wallet sa mga user nito na makipag-interact sa mga DApp sa pamamagitan ng built-in na DApp browser.

image

image

Bago makipag-interact sa isang DApp, bibigyan ka ng babala ng Trust Wallet. Siguraduhing kumokonekta ka sa lehitimong DApp. Posibleng malagay sa panganib ang iyong mga pondo kung makikipag-interact ka sa peke o manlolokong DApp.

Pag-apruba ng Token

Kapag sinusubukan mong mag-swap ng token, papaaprubahan ng DApp sa user ang pag-access sa kanilang mga token. Kinakailangan ang prosesong ito para mabigyang-daan ang DApp na makipag-interact sa wallet ng user. Tumingin ng mga halimbawa sa ibaba mula sa Uniswap at PancakeSwap. Kapag may token na sina-swap sa unang pagkakataon, kailangan ng Pag-apruba ng Token.

image

image

Sa puntong ito, kinukuha mo ang lahat ng panganib. Para magpatuloy sa Pag-apruba ng Token, i-tap ang Ipadala. Kapag tapos na ang transaksyon ng Pag-apruba, puwede nang i-swap ang token.

image

image

Mga Manlolokong DApp

Ang pananamantala sa Pag-apruba ng Token ay isa sa mga pinakakaraniwang kahinaan ng mga DApp. Gaya ng ipinaliwanag sa itaas, nakikipag-interact at nagbibigay ng pag-apruba ang user sa DApp para gumastos ng mga token para sa kanila. Lingid sa kaalaman ng user, bibigyan nito ang smart contract ng kumpletong access sa lahat ng token niya. Puwedeng i-withdraw ng attacker ang lahat ng hawak ng user sa isang partikular na asset kahit na hindi niya pinayagang mangyari ang mga ganoong transaksyon.

Tingnan ang video na ito na na-post ng ZenGo na nagpapakita kung paano masasaid ng Manlolokong Dapp ang iyong wallet sa pamamagitan ng pananamantala sa Pag-apruba ng Token.

baDAPProve Demo Walkthrough

Demo Walkthrough ng baDAPProve

Paano Ito Iwasan?

Laging suriin muna ang DApp na ka-interact mo. Sa Trust Wallet, lagi naming tinitiyak na ang mga makikita mong DApp ay na-verify at sumailalim sa masusing pagsusuri. Puwede mo ring tingnan ang mga site na tulad ng https://www.stateofthedapps.com 5.0k at https://dappradar.com 2.3k para makapagsaliksik pa.