Ano ang Pag-apruba sa Token

Paliwanag tungkol sa Pag-apruba sa Token

Gumagamit ang mga DApp (decentralized application) gaya ng mga Decentralized Exchange (DEX) ng mga smart contract para magsagawa ng mga transaksyon sa blockchain. Ang mga DEX na tulad ng Uniswap o PancakeSwap ay gumagamit ng smart contract na nagbibigay-daan sa isang user na ipapalit ang kanilang mga token sa ibang token. Dapat munang magbigay ng pahintulot ang isang user para magastos ng smart contract ang isang partikular na halaga ng iyong token (na tinatawag na allowance). Nagsisilbi rin itong panseguridad na hakbang para sa mga may hawak ng token, dahil lilimitahan nito kung ano lang ang magagastos ng smart contract sa ngalan mo.

Dagdag pa rito, pinoprotektahan nito ang mga developer ng DApp at nagbibigay-daan ito sa smart contract na gumana nang maayos. Sa pamamagitan ng pag-apruba sa iyong token, pinapayagan mo ang smart contract ng DApp na i-validate kung magkano sa token ang talagang mayroon ka. Ginagamit din ang mga pag-apruba sa token sa pag-stake ng mga DApp, kung saan ila-lock ng isang user ang kanyang mga token para kumita ng interes o iba pang asset.

Mga Halimbawa ng Pag-apruba sa Token

Mag-swap sa Naka-built In na DEX

Kapag nagsa-swap ka, ipapaapruba muna sa iyo ang token para ma-swap mo ito sa ibang asset. Kapag nakumpirma na iyon, makakapagpatuloy ka na sa pag-swap ng iyong mga token.

image

image

Pag-stake ng mga DApp

Sa ilang DApp, kakailanganin mong magbigay ng pahintulot para ma-enable ang isang token para sa Pag-stake. Narito ang isang halimbawa mula sa C.R.E.A.M. Finance kung saan kailangan munang i-enable ang $TWT.

image

image

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day