Nagdagdag ang Trust Wallet ng Functionality na In-App na Cross-Chain na Pag-swap sa Pag-integrate sa THORChain

Dahil sa kagustuhan ng marami, nasasabik ang team ng Trust Wallet na ianunsyo na sinusuportahan na namin ngayon ang mga in-app na cross-chain na pag-swap sa bago naming pag-integrate sa THORChain. Hindi na kakailanganin ng mga user ang mga fiat onramp, o na makipag-interact sa mga kumplikadong protocol ng cross-chain na pag-swap para makapag-swap sa iba’t ibang blockchain. Ang pinakamaganda rito, hindi naniningil ang Trust Wallet ng anumang bayad sa serbisyo para sa pagsasagawa ng mga cross-chain na pag-swap.

Dahil sa pag-integrate namin kamakailan sa THORChain, puwede ka nang mag-cross chain swap sa BTC, ETH, BNB(BEP2), at BUSD(BEP2) sa Trust Wallet mobile app mo mismo.

Wala ka pa bang Trust Wallet? I-download ang Trust Wallet app NGAYON.

Malinaw na nakatira na tayo sa multi-coin na hinaharap kung saan nangangailangan ang mga tao ng iba’t ibang coin/token para makipag-interact sa WEB3. Sa pagdaragdag ng mga pag-swap sa THORChain, nalutas ang isang mahalagang problema ng user dahil nagbibigay-daan ito sa dagdag na accessibility at flexibility para makapag-swap ng mga crypto asset nang hindi kinakailangang umasa sa mga fiat onramp na kadalasang nangangailangan ng KYC at puwedeng humantong sa mas matataas na gastusin sa pagpapatakbo.

Higit pa rito, hindi kailangan ng mga user na dumaan sa proseso ng pag-bridge ng mga asset bago mag-swap, na itinuturing na hindi secure at delikado. Dagdag pa rito, hindi na kakailanganin ng mga user na matuto kung paano gumamit ng mga protocol ng cross-chain na pag-swap na puwedeng maging nakaka-stress at mahirap na proseso ng pagkatuto kung saan mo kailangang maging pamilyar. Sa feature na ito, madali at maginhawang nagagawa ang mga pag-swap sa Trust Wallet mismo.

Tandaan: Kasalukuyang available ang feature na ito para lang sa mga Android device. Malapit nang magkaroon ng support sa iOS, kaya i-follow kami sa Twitter @TrustWallet para hindi mo mapalampas ang aming opisyal na anunsyo!

Anong uri ng mga pag-swap ang maisasagawa mo sa iyong Trust Wallet mobile app?

Mga pag-swap sa THORChain:

Sa mga pag-swap sa THORChain, puwede kang mag-swap ng BTC, ETH, BNB(BEP2), at BUSD(BEP2) maliban sa ilan pang ibang BEP2 asset.

Mga cross-chain na pag-swap:

Sa mga CrossSwap, makakapag-swap ka ng Binance BeaconChain BNB(BEP2) sa Binance SmartChain BNB(BEP20) at kabaliktaran.

Mga pag-swap sa 1inch:

Sa mga pag-swap sa 1inch, makakapagsagawa ang mga user ng mga interchain na pag-swap sa 8 EVM chain kung saan kasama ang Ethereum, BSC, Avalanche, Polygon, Arbitrum, Optimism, Gnosis, at Fantom. Ibig sabihin nito, makakapag-swap ka ng ETH sa anumang ERC 20 token sa Trust Wallet mo mismo nang hindi mo kinakailangang kumonekta sa dApp ng 1inch. Puwede ka ring mag-swap ng BNB(BEP20) sa anumang BEP20 token at iba pa. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming pag-integrate sa 1inch dito.

Paano gumagawa ng iba’t ibang uri ng pag-swap sa iyong Trust Wallet app?

Tandaan: Siguraduhing tingnan ang seksyong “Mga Madalas na Itanong” kung mayroon ka pang mga tanong.

1. Unang gabay: Paano mag-swap ng BTC sa ETH

Para sa tutorial, ipapakita namin kung paano mag-swap mula sa BTC papunta sa ETH. Tinatawag itong cross-chain na pag-swap dahil magsa-swap ka ng mga coin mula sa dalawang magkaibang blockchain.

Tandaan na makakapag-swap ka rin sa pagitan ng mga BTC, ETH, BNB(BEP2), at BUSD(BEP2), pero para sa halimbawang ito, magsa-swap ka ng BTC sa ETH.

Hakbang 1: Pumunta sa iyong pangunahing wallet at i-click ang button na ‘Mag-swap’

swap-feature-trustwallet

Hakbang 2: Piliin ang BTC sa kahong ‘Magbabayad ka ng’ at ETH sa kahong ‘Makakakuha ka ng’ at ilagay ang halaga na gusto mong i-swap gaya ng ipinapakita sa ibaba.

btc-swap-trustwallet

Hakbang 3: I-click ang ‘I-preview ang Pag-swap’ pagkatapos ay i-click ang ‘Kumpirmahin ang Pag-swap’ para kumpletuhin ang iyong cross-chain na pag-swap.

trustwallet-crosschain-swap

Tandaan: Posibleng matagalan ang ilang pag-swap ng BTC dahil sa congestion sa network kaya siguraduhing maglalaan ka ng oras para makumpleto ang iyong transaksyon. Maghintay nang ilang minuto hanggang sa maproseso ang transaksyon at dapat nang lumabas ang iyong balanse sa pangunahing page ng wallet mo. Puwede mong tingnan ang iyong kasaysayan ng transaksyon sa app anumang oras gaya ng ipinapakita sa ibaba.

btc-status-trustwallet

btc-status-trustwallet3330×2403 248 KB

2. Pangalawang gabay: Paano mag-swap ng BTC o ETH sa mga BEP20 token

Magiging isa itong gabay sa prosesong may tatlong hakbang dahil sa ngayon, hindi pa available ang feature na pag-swap ng BTC sa mga BEP2 token sa isang pag-swap sa Trust Wallet. Pero, ipagpalagay na gusto mong i-swap ang ilan sa iyong BTC o ETH para magkaroon ka ng ilang CAKE(BEP20) token para magamit sa PancakeSwap, paano mo iyon magagawa?

Tandaan: Para makapag-swap ng BTC sa CAKE(BEP20), kailangan mong gumawa ng tatlong magkakaibang pag-swap gaya ng ipinapakita sa ibaba.

Ang unang hakbang ay mag-swap ng BTC sa BNB(BEP2)

  • Hakbang 1: I-click ang button na ‘mag-swap’ sa pangunahing page ng iyong wallet
  • Hakbang 2: Piliin ang BTC sa kahong ‘Magbabayad ka ng’ at BNB(BEP2) sa kahong “Makakatanggap ka ng’ at piliin ang halagang gusto mong i-swap.
  • Hakbang 3: I-click ang ‘I-preview ang Pag-swap’
  • Hakbang 4: I-click ang ‘Kumpirmahin ang Pag-swap’
  • Hakbang 5: Maghintay nang ilang minuto hanggang sa maproseso ang transaksyon at dapat nang lumabas ang iyong balanse sa page ng pangunahing wallet mo.

btc-bnb-swap

btc-bnb-swap4421×2403 541 KB

Ang pangalawang hakbang ay mag-swap ng BNB(BEP2) sa BNB(BEP20)

Para makakuha ng Cake(BEP20), kakailanganin muna nating i-swap ang ating BNB(BEP2) sa BNB(BEP20). Nasa Trust Wallet dati ang functionality na ito kung saan nagbibigay-daan ito sa mga user na mag-swap mula BNB Beacon Chain BNB(BEP2) papuntang BNB Smart Chain BNB(BEP20) at kabaliktaran.

Sundin ang mga hakbang na ito gaya ng ipinapakita sa ibaba:

  • Hakbang 1: I-click ang button na ‘mag-swap’ sa pangunahing page ng iyong wallet
  • Hakbang 2: Piliin ang BNB(BEP2) sa kahong ‘Magbabayad ka ng’ at BNB(BEP20) sa kahong “Makakatanggap ka ng’ at piliin ang halagang gusto mong i-swap.
  • Hakbang 3: I-click ang ‘I-preview ang Pag-swap’
  • Hakbang 4: I-click ang ‘Kumpirmahin ang Pag-swap’

bnb-bep-swap

bnb-bep-swap4385×2403 490 KB

3. Pangatlong gabay: Pag-swap mula BNB(BEP20) papuntang CAKE(BEP20) token

Para sa pag-swap na ito, gagamitin natin ang 1inch, na isang provider ng pag-swap kung saan dating nag-integrate ang Trust Wallet. Sa aming pag-integrate sa 1inch, nakakapagsagawa ang mga user ng mga interchain na pag-swap sa 8 EVM chain na kinabibilangan ng Ethereum, BSC, Avalanche, Polygon, Arbitrum, Optimism, Gnosis, at Fantom.

Tandaan: Sa pamamagitan ng paggamit ng 1inch bilang isang provider, makakapag-swap ka ng mga ERC 20 token sa isa’t isa, at magagawa mo rin iyon sa Binance Smart Chain, na siyang paraan kung paano natin isa-swap ang BNB(BEP20) sa CAKE(BEP20) token.

Sundin ang gabay gaya ng ipinapakita sa ibaba para malaman kung paano:

  • Hakbang 1: I-click ang button na ‘mag-swap’ sa pangunahing page ng iyong wallet
  • Hakbang 2: Piliin ang BNB(BEP20) sa kahong ‘Magbabayad ka ng’ at CAKE(BEP20) sa kahong “Makakatanggap ka ng’ at piliin ang halagang gusto mong i-swap.
  • Hakbang 3: I-click ang ‘I-preview ang Pag-swap’
  • Hakbang 4: I-click ang ‘Kumpirmahin ang Pag-swap’

bnb-cake-swap

Nag-aalok ang Trust Wallet ng bagong antas ng kalayaan at flexibility, sa mahuhusay na functionality ng pag-swap na nagbibigay-daan sa iyong madaling ma-explore ang mundo ng mga coin, token, at dApp. Ang pinakamainam na bahagi nito, lagi kang magkakaroon ng ganap na pagmamay-ari sa iyong mga asset at mananatili kang may ganap na kontrol, na magbibigay-daan sa iyong makipag-interact sa blockchain gamit ang simpleng UI nang walang aberya.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day

1 Like