Hawak ng iyong Recovery Phrase ang mga key sa crypto mo. Nakatakda ang mga address sa Multi-Coin wallet sa partikular na hanay na ito ng mga salita. Hindi mababago ang Recovery Phrase para sa nalantad na wallet.
Kung may ibang nakakaalam nito, parang ibinibigay mo na sa kanya ang mga asset mo.
Ano ngayon ang magagawa mo kung mangyayari ito?
Tandaan:
- Naaangkop lang ang mga hakbang na binanggit sa gabay na ito kung may mga natitira ka pang pondo sa wallet.
- Walang paraan ang Team ng Trust Wallet para mabawi ang iyong mga pondo.
- Bawat transaksyon ay nangyayari sa blockchain.
- Hindi hawak ng Trust Wallet ang alinman sa iyong mga asset.
Narito ang 3 simpleng hakbang na kailangan mong gawin sa lalong madaling panahon:
Hakbang 1 - Gumawa ng Bagong Wallet
Kung iisa lang ang multi-coin wallet sa iyong device, gumawa ng bago. May gabay kami kung Paano Gumawa ng Multi-Coin Wallet na puwede mong sundin kung hindi ka pa pamilyar dito.
Tandaan:
Kung marami ka nang wallet sa iyong device at sa palagay mo ay secure ang mga ito, puwede mong laktawan ang hakbang na ito.
Hakbang 2 - Ilipat ang Iyong Mga Pondo
Ipadala agad ang iyong crypto sa bagong gawang wallet o para i-secure ang wallet na mayroon ka. Sa pamamagitan ng paggawa nito, inililigtas mo ang iyong mga pondo para hindi manakaw ang mga ito. Siguraduhing mayroon kang kinakailangang Bayarin sa Network para makapagsagawa ka ng transaksyon.
Hakbang 3 - I-delete ang Wallet
Para maiwasang magamit ang nakompromisong wallet nang hindi sinasadya, pinakamainam na I-delete na lang ang Wallet. Aktibo pa rin ang mga address sa blockchain at hindi made-delete ng user ang mga aktwal na address dahil permanenteng ginagawa ang mga ito sa blockchain.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day