Pagbili ng Crypto gamit ang iyong Credit Card
Bago ka magpatuloy, tandaan ang sumusunod:
- Hindi nagbebenta ang app na ito ng anumang crypto. Mare-redirect ka sa 3rd party na provider.
- Ang minimum na transaksyon ay $50, at ang maximum ay $20,000. Ang provider ang nagtatakda ng mga limitasyong ito.
- Naniningil ng bayad sa conversion at network ang provider ng crypto.
- May 1% bayad na dagdag sa bawat pagbili ng crypto na puwedeng maalis sa pamamagitan ng paghawak ng TWT.
- Batay sa iyong lokasyon ang available ng crypto na mabibili mo. Sa ilang partikular na bansa lang nagpapatakbo ang provider.
- Kung mayroon kang anumang alalahanin sa iyong pagbili, makipag-ugnayan sa provider ng crypto. Makakakita ka ng higit pang impormasyon dito: Listahan ng mga Provider ng Cryptocurrency
Hakbang 1 - I-access ang Menu ng Pagbili
Buksan ang iyong wallet at piliin ang crypto na gusto mong Bilhin.
I-tap ang button na Bumili sa kanang sulok sa itaas.
Hakbang 2 - Isaad ang Halagang Bibilhin
Isaad ang halaga sa USD at magbibigay ang provider ng quote kung ilang crypto ang matatanggap mo.
Nagpatupad ang team ng bagong feature na nagbibigay-daan sa iyong pumili ng ibang provider. I-tap ang 3rd party na provider para malaman kung may ibang provider na available.
Tandaan:
Ipapakita ang pinakamagandang rate bilang default.
I-tap ang Susunod para magpatuloy.
Hakbang 3 - Pag-verify ng User
Depende sa provider ng crypto, kakailanganin ang pag-verify ng user bago bumili. Ire-redirect ka sa website nila para makumpleto ang prosesong ito.
Tandaan:
Hindi nagse-save ng anumang impormasyon ng user ang Trust Wallet.
Hakbang 4 - Maghintay ng Kumpirmasyon
Kapag nakumpirma na ang pagbili, makakatanggap ka ng email mula sa provider ng crypto. Ipapadala ang crypto sa lalong madaling panahon.
Kailangan ng tulong?
Kung may anumang isyu sa pagbili mo, pinakamainam na makipag-ugnayan muna sa provider ng crypto.
Makakakita ka ng higit pang impormasyon dito: Listahan ng mga Provider ng Cryptocurrency
Narito ang ilang bagay na karaniwang itinatanong:
-
Bakit naantala ang crypto ko?
Tingnan ang iyong order at maghanap ng ID o hash ng transaksyon. Ipapakita nito kung naipadala na sa iyo ng provider ang crypto. Kung wala, makipag-ugnayan sa provider. Kung lumalabas na nakabinbin ang transaksyon, kailangan mong hintayin na kumpirmahin ito ng network. Kung lumalabas na nakumpirma na ang transaksyon, sundin itong gabay. -
Siningil ako pero hindi ko natanggap ang binili ko?
Tingnan ang tanong sa itaas. -
Sobra ang bayarin?
Laging may bayad sa pag-convert at network na sinisingil ng provider ng crypto. May maliit na 1% bayad na mapupunta sa development team ng Trust Wallet, na makakatulong sa pagpapahusay pa ng app. Puwedeng maalis ang 1% bayad na ito sa pamamagitan ng TWT. -
Hindi ako makabili ng crypto?
Nakadepende ito sa ilang salik tulad ng crypto na binibili mo, heograpikong lokasyon mo, at kung hindi ma-verify ng provider ang pagkakakilanlan mo. -
Hindi Available ang nakalagay kapag sinusubukan kong bumili ng crypto.
Kung ngayon ka pa lang bibili, tingnan ang tanong sa itaas.
Kung bumili ka ng crypto dati mula sa parehong provider, pinakamalamang na may ilang isyu sa provider. Pumili ng ibang provider o makipag-ugnayan sa kanila para magpatulong.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino