Paano Gumawa ng Multi-Coin Wallet

Mga Pangunahing Kaalaman sa Crypto

  • Paggawa ng bagong wallet
  • I-personalize ang Iyong Wallet
  • Puwede ba Akong Gumawa ng Maraming Wallet?

Paggawa ng bagong wallet

Ang mga hakbang sa paggawa ng una mong Multi-Coin Wallet ay napakasimple at magagawa sa loob lang ng ilang minuto. Gagabayan kita sa proseso.

Mahalaga!

I-download lang ang Trust Wallet mula sa mga opisyal na source.

Narito ang mga link para sa pag-download para sa dalawang platform:

App Store: ‎Trust: Crypto & Bitcoin Wallet sa App Store

Google Play: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wallet.crypto.trustapp

Hakbang 1 - Ilunsad ang Trust Wallet

Sa unang paglulunsad ng app, ipapakita sa iyo ang screen sa ibaba na siyang bahagi kung saan ka puwedeng “Gumawa ng Bagong Wallet” o “Mag-import” ng dati nang wallet. Para sa gabay na ito, Gumawa ng Bagong Wallet ang pipiliin natin.

image

Hakbang 2 - Tanggapin ang Mga Tuntunin ng Paggamit

Para makapagpatuloy, kailangan mong tanggapin ang Mga Tuntunin ng Paggamit. Lagyan lang ng check mark ang kahon, pagkatapos ay pindutin ang Magpatuloy. Wala nang atrasan.

Babala!

Kung sang-ayon ka sa mga tuntunin ng paggamit, tandaan na, kung mawawala mo ang iyong mga recovery phrase, ibig sabihin, mawawalan ka rin ng access sa wallet mo.

image

Hakbang 3 - I-save ang iyong Recovery Phrase

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng iyong pakikipagsapalaran sa crypto. Kailangan mong tandaan ang iyong mga recovery seed phrase. Ang iyong mga recovery phrase ay ang mga susi sa crypto wallet mo. Kaya siguraduhin na papanatilihin mo ang mga ito sa isang ligtas na lugar. Mag-tap sa Magpatuloy para magpatuloy.

image

image

Tandaan

Isa itong totoong recovery phrase para sa totoong multi-coin wallet.

Does it contain anything? We will never know.

Hakbang 4 - I-verify ang iyong Recovery Phrase

Kung sinunod mo ang Hakbang 3 at na-back up mo ang iyong recovery phrase, madali lang ito.

Sa tamang pagkakasunod-sunod, piliin ang mga salita para makumpleto ang proseso ng pag-verify. I-click ang Magpatuloy kapag tapos ka na.

image

image

Hakbang 5 - Handa na ang Wallet

Pagkatapos sumailalim sa proseso ng pag-back up at pag-verify, mare-redirect ka sa pangunahing screen ng wallet. Makakakita ka ng paunang listahan ng mga coin na puwede mong simulang pondohan agad-agad. Binabati ka namin!

image

image

I-personalize ang Iyong Wallet

Puwede mong itakda ang pangalan ng iyong wallet para madali mo itong makilala. Lokal na setting lang sa app ang pagbabagong ito at puwede itong baguhin anumang oras.

Pumunta sa menu na Mga Setting, pagkatapos ay i-tap ang Mga Wallet.

image

image

Susunod, i-tap ang simbolong i sa tabi ng wallet na gusto mong i-personalize. I-save ito at tapos ka na.

image

image

Tandaan:

Sa screen din na iyon, makikita mo ang Ipakita ang Recovery Phrase. Puwede kang bumalik dito anumang oras kung gusto mong kunin ang iyong mga recovery phrase.

Puwede ba Akong Gumawa ng Maraming Wallet?

May limitasyong 10 wallet na puwede mong gawin sa app. Narito ang mga hakbang para gawin iyon.

Buksan ang Trust Wallet at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting. Sa screen ng Mga Setting, i-tap ang Mga Wallet.

I-tap ang “+” sign sa kanang bahagi sa itaas para i-access ang Screen na Gumawa/Mag-import ng Wallet. Bumalik sa Hakbang 1 ng gabay na ito para gumawa ng bagong wallet.

image

image

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day