Pag-back Up sa Cloud ng Trust Wallet – Mga Madalas na Itanong (Frequently Asked Questions o FAQ)

Pag-back Up sa Cloud ng Trust Wallet – Mga Madalas na Itanong (Frequently Asked Questions o FAQ)

cloudbackupTwitter

Ang pag-back up sa cloud para sa Trust Wallet ay isang madaling gamiting paraan ng pag-back up at pag-recover para sa iyong wallet. Gamitin ang feature na ito para ligtas na mag-store ng naka-encrypt na backup ng secret phrase na may 12 salita ng iyong wallet sa online cloud account mo.

Lubos naming inirerekomenda na isulat at secure mong i-store ang iyong secret phrase sa isang pisikal na lokasyon, bukod pa sa paggamit ng pag-back up sa cloud.

Paano ko ia-access ang feature na pag-back up sa cloud ng Trust Wallet?

May dalawang paraan para i-access ang feature na naka-encrypt na pag-back up sa cloud sa Trust Wallet mobile app:

  1. Kapag gumagawa ng bagong wallet.
  2. Sa pamamagitan ng mga setting ng iyong wallet, kung mayroon ka nang aktibong wallet.

Para magsimula sa feature na pag-back up sa cloud:

  1. Kunin ang pinakabagong bersyon ng Trust Wallet para sa iyong device dito: trustwallet.com/download.
  2. Gamitin ang aming komprehensibong gabay para sa Apple iOS o Android.

Ano ang bentahe ng paggamit ng naka-encrypt na pag-back up sa cloud?

Ang feature na pag-back up sa cloud ay isang madaling gamiting online na paraan ng pag-back up at pag-recover para sa pribadong key ng iyong wallet. Gamitin ito bilang dagdag na proteksyon para sa iyong mga digital asset kung hindi mo ma-access ang app sa anumang dahilan o kung mawala mo ang iyong pisikal na backup ng secret phrase.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga feature na pag-back up sa cloud na:

  • Mas madali at mas mabilis na makagawa ng bagong wallet
  • Mag-store ng naka-encrypt na backup ng iyong secret phrase sa cloud account mo
  • Walang aberyang ire-cover ang pribadong key ng iyong wallet mula sa naka-encrypt mong online na backup

Kung minsan, hind naba-back up ng mga taong gumagamit ng mga self-custody wallet gaya ng Trust Wallet ang kanilang secret phrase na may 12 salita sa secure na paraan – na humahantong sa tuluyang pagkawala ng mga pondo.

Sa feature na pag-back up sa cloud, pinapasimple namin para sa iyo na i-back up at i-recover ang wallet mo.

Ligtas bang naka-back up ang wallet ko kung ang gagamitin ko lang ay ang backup sa cloud ng secret phrase ko?

Kapag gumamit ka ng pag-back up sa cloud, mae-encrypt at maso-store sa iyong cloud account ang secret phrase mo. Ang pag-back up sa cloud ay isang maginhawang paraan para i-back up ang iyong wallet, pero lubos naming inirerekomenda na gamitin mo ang dalawang opsyon sa pag-back up na available sa iyo sa Trust Wallet.

  • Manu-manong pag-back up ng secret phrase – kung saan pisikal kang magsusulat at secure na magso-store ng kopya ng iyong secret phrase na may 12 salita
  • Pag-back up sa cloud – na nagbibigay-daan sa iyong walang aberyang mag-store ng naka-encrypt na kopya ng iyong secret phrase na may 12 salita sa online na cloud account mo

Pareho ko bang kailangan ang naka-encrypt na backup sa cloud at manu-manong isinulat na backup ng secret phrase ko?

Naniniwala kami na dapat kang magkaroon ng ganap na kontrol sa iyong mga asset, kaya binibigyan ka namin ng pagkakataong gamitin ang alinmang opsyon o pareho.

Ang pag-back up sa cloud ay isang madaling paraan para mag-back up ng naka-encrypt na kopya ng iyong secret phrase, at makakatulong ang pisikal na pag-back up ng iyong secret phrase para mas ma-secure pa ang iyong wallet.

Bakit mas secure ang feature na pag-back up sa cloud kaysa sa pag-save ng regular na hindi naka-encrypt na file sa computer, email, o cloud storage account ko?

HINDI inirerekomenda ang mga hindi naka-encrypt na digital na kopya ng iyong secret phrase. Kasama sa mga halimbawa ang pag-save ng mga kopya sa iyong computer, email, mga online account, o sa pamamagitan ng pagkuha ng mga screenshot.

Mas pinapadali ng mga hindi naka-encrypt na digital na kopya ng iyong secret phrase para sa mga hacker o masasamang loob na magkaroon ng hindi awtorisadong access sa iyong mga pondo – at ang problema ay hindi mo malalaman hanggang sa huli na ang lahat at nanakaw na ang iyong mga pondo.

Sa kabilang banda, ikaw lang ang makaka-access sa naka-encrypt na backup ng iyong secret phrase. Hindi lang secure na naka-encrypt ang file sa iyong cloud storage account, magtatakda ka rin ng password ng pag-encrypt para ikaw lang ang makapag-decrypt at maka-access sa file kung sakaling kailanganin mong i-recover ang wallet mo.

Ano mismo ang password ng pag-encrypt, at paano ito naiiba sa secret phrase ko na may 12 salita?

Ang password ng pag-encrypt ay isang espesyal na password na gagawin mo para i-encrypt ang backup ng iyong secret phrase sa cloud account mo. Ito ay para matiyak na ikaw lang ang makakapag-restore ng iyong wallet.

Ilang bagay na dapat tandaan tungkol sa iyong password ng pag-encrypt:

  • Made-decrypt lang ang backup sa cloud ng secret phrase mo gamit ang iyong password ng pag-encrypt – kaya huwag mo itong iwala, huwag mo itong ibahagi kahit kanino, at i-store ito sa secure na lokasyon.
  • Hindi sino-store o pinapanatili ng Trust Wallet ang iyong password ng pag-encrypt, kaya hindi namin ito mare-recover o mare-restore.
  • Kung may taong magkakaroon ng access sa iyong password ng pag-encrypt, posibleng ma-access nila ang wallet mo at ma-access nila ang iyong mga digital asset.

Lubos naming inirerekomenda na magpanatili ka ng secure na kopya ng iyong password ng pag-encrypt at huwag na huwag mo itong ibabahagi kahit kanino.

Paano kung makalimutan ko ang password ng pag-encrypt ng secret phrase ko?

Hindi mare-reset o mare-recover ng Trust Wallet ang password ng pag-encrypt ng iyong secret phrase.

Kung nawala o nakalimutan mo ang iyong password ng pag-encrypt, ang unang bagay na dapat gawin ay siguraduhin na mayroon kang manu-manong nakasulat na backup ng iyong secret phrase.

Gamitin ang mga tagubiling ito para gumawa ng manu-manong backup, kung wala ka pa nito.

Kapag natiyak mo nang mayroon kang manu-manong backup, ganito gumawa ng bagong backup sa cloud na may bagong password ng pag-encrypt, kung gusto mong gawin iyon:

  1. I-delete ang iyong backup sa cloud: Pumunta sa Mga Setting > Mga Wallet > i-tap ang icon ng impormasyon sa tabi ng wallet (3 tuldok o simbolong “i”) > piliin ang backup sa cloud > piliin ang I-delete ang Backup at sundin ang mga tagubilin.
  2. Pagkatapos ay magtakda ng bagong backup sa cloud pagkatapos na pagkatapos noon: Piliin ang opsyon na pag-back up sa cloud > itakda ang password ng pag-encrypt at kumpletuhin ang proseso > tandaan ang iyong password (halimbawa, sa papel) at secure itong i-store

Awtomatiko bang bina-back up sa cloud ang secret phrase ko kapag gumawa ako ng wallet?

Ang maikling sagot ay hindi. Kakailanganin mong pasimulan ang proseso ng paggawa ng backup sa cloud ng secret phrase na may 12 salita ng iyong wallet.

Naniniwala kami sa totoong self-custody at pagbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa wallet at mga asset mo – at kasama roon kung aling mga feature ang gusto mong sulitin.

Puwede ko bang i-delete ang backup sa cloud ng secret phrase ko?

Oo. Kung kailangan mong i-delete ang iyong backup sa cloud, ganito kung paano: Pumunta sa Mga Setting > Mga Wallet > i-tap ang icon ng impormasyon sa tabi ng wallet (3 tuldok o simbolong “i”) > piliin ang backup sa cloud > piliin ang I-delete ang Backup at sundin ang mga tagubilin.

May access ba sa secret phrase ko ang serbisyo ko sa cloud?

Ang Trust Wallet at ang mga cloud provider kung kanino kami nakikipag-integrate ay walang access sa iyong wallet, secret phrase, o mga pondo sa pamamagitan ng pag-integrate ng pag-back up sa cloud. Higit pa rito, hindi nalalaman ng Trust Wallet o mga cloud storage provider ang password ng pag-encrypt na pumoprotekta sa iyong backup sa cloud.

Available ba ang feature na pag-back up sa cloud ng secret phrase sa Trust Wallet Browser Extension?

Sa kasalukuyan, available ang feature na pag-back up sa cloud para sa mga mobile device, pero nagsisikap kaming madala rin ang suporta sa pag-back up sa cloud sa Trust Wallet Browser Extension.

May karagdagan ka bang tanong?

Kung kailangan mo pa ng karagdagang tulong, makipag-ugnayan sa aming support team.