Pagsisimula sa Feature na Pag-back Up sa Cloud ng Trust Wallet para sa Apple iOS

Pagsisimula sa Feature na Pag-back Up sa Cloud ng Trust Wallet para sa Apple iOS

Isang madaling gamiting paraan ng pag-back up at pag-recover para sa iyong wallet

Ang Trust Wallet mobile app ay nagbibigay-daan sa iyong ligtas na mag-store ng naka-encrypt na backup ng secret phrase na may 12 salita ng iyong wallet sa online cloud account mo. Sa gabay na ito, ipapakita namin sa iyo kung paano i-back up at i-recover ang iyong wallet gamit ang feature na pag-back up sa cloud.

Lubos naming inirerekomenda na isulat at secure mong i-store ang iyong secret phrase sa isang pisikal na lokasyon, bukod pa sa paggamit ng pag-back up sa cloud.

Pag-back up ng secret phrase ng iyong wallet sa cloud

May dalawang paraan para i-access ang feature na naka-encrypt na pag-back up sa cloud sa Trust Wallet mobile app:

  1. Kapag gumagawa ng bagong wallet
  2. Sa pamamagitan ng mga setting ng iyong wallet (gagamitin mo ang opsyong ito kung mayroon ka nang aktibong wallet na naka-set up pero hindi mo pa naba-back up ang iyong wallet sa cloud)

Paggamit ng pag-back up sa cloud kapag gumagawa ng bagong wallet

Hakbang 1: Siguraduhing nasa iyo ang pinakabagong bersyon ng Trust Wallet para sa iyong device dito. Makukuha mo ito rito: trustwallet.com/download.

Hakbang 2: Buksan ang Trust Wallet, piliin ang “Gumawa ng bagong wallet” at gawin ang iyong passcode.

Hakbang 3: Piliin ang “I-back up sa iCloud” sa iyong Apple device. Gumawa ng pin code, kung ipo-prompt.

Hakbang 4: Gawin ang iyong password ng pag-encrypt, sundin ang mga prompt, at piliin ang button na Magpatuloy para kumpletuhin ang proseso.

Inirerekomenda naming gawin mong natatangi ang iyong password ng pag-encrypt.

At iyon na! Matagumpay mo nang na-back up ang secret phrase na may 12 salita ng iyong wallet sa cloud.

Tandaan: Ginagamit ang password na ito para i-encrypt ang backup file ng iyong secret phrase at para matiyak na ikaw lang ang makakapag-restore ng iyong wallet. Inirerekomenda naming isulat mo ito at i-store sa isang ligtas na lugar dahil hindi ito mare-reset ng Trust Wallet para sa iyo.

Mahalagang susunod na hakbang

Kapag na-back up mo na ang iyong secret phrase sa cloud account mo, lubos naming inirerekomenda na kumumpleto ka ng karagdagang manu-manong nakasulat na backup agad-agad.

Magsisilbi ang iyong nakasulat na backup bilang dagdag na proteksyon para sa wallet at mga asset mo kung masira o mawala ang iyong device, o kung hindi mo ma-access ang app sa anumanag dahilan.

Ganito kung paano kumumpleto ng manu-manong nakasulat na backup ng iyong wallet.

Paggamit ng pag-back up sa cloud sa aktibo nang wallet

Posibleng na-install mo na ang Trust Wallet na may aktibong wallet, pero ngayon, gusto mong gamitin ang feature na pag-back up sa cloud para secure na mag-store ng kopya ng iyong secret phrase sa cloud.

Bago ka magsimula, siguraduhing naka-install sa iyong device ang pinaka-updated na bersyon ng Trust Wallet. Makukuha mo ito rito: trustwallet.com/download.

Hakbang 1: Buksan ang Trust Wallet at piliin ang “Mga Setting.”

Hakbang 2: Piliin ang “Mga Wallet.”

Hakbang 3: Piliin ang icon ng impormasyon sa tabi ng wallet na gusto mong gawan ng backup sa cloud.

Karaniwang kinakatawan ang icon ng impormasyon ng 3 tuldok o ng simbolong “(i).”

Hakbang 4: Piliin ang opsyong “Pag-back up sa iCloud”

Hakbang 5: Gawin ang iyong password ng pag-encrypt, sundin ang mga prompt, at piliin ang button na Magpatuloy para kumpletuhin ang proseso.

I-recover ang iyong wallet gamit ang backup mo sa cloud

Gamitin ang feature na pag-back up sa cloud para i-recover ang iyong wallet kung hindi mo ma-unlock ang app, nawala o nasira ang iyong device, o gusto mong i-import ang iyong wallet sa ibang device.

Bago ka magsimula, siguraduhing naka-install sa device mo ang pinaka-updated na bersyon ng Trust Wallet. Makukuha mo ito rito: trustwallet.com/download

Hakbang 1: Buksan ang Trust Wallet at piliin ang “May wallet na ako.”

Hakbang 2: Piliin ang “I-restore gamit ang iCloud.”

Hakbang 3: Piliin ang backup na gusto mong i-restore.

Hakbang 4: Ilagay ang iyong password ng pag-encrypt at mag-click para magpatuloy.

Tandaan: Ang iyong password ng pag-encrypt ay ang parehong password na inilagay mo para i-encrypt ang iyong backup noong una mo itong ginawa.

Tip: Magagamit mo ang feature na “multi-wallet” ng Trust Wallet para magdagdag ng maraming wallet sa app, kasama na ang wallet na naka-back up sa cloud bilang karagdagang wallet.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting > Mga Wallet > simbolong “+” > “May wallet na ako” > piliin ang opsyong mag-restore mula sa iyong backup sa cloud, at sundin ang mga tagubilin.

Ano ang bentahe ng paggamit ng naka-encrypt na pag-back up sa cloud?

Ang feature na pag-back up sa cloud ay nagdaragdag ng madaling gamiting online na paraan ng pag-back up at pag-recover para sa iyong wallet – na nagbibigay ng dagdag na proteksyon para sa iyong mga digital asset kung hindi mo ma-unlock ang app o nawalan ka ng access sa device mo.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga feature na pag-back up ng secret phrase sa cloud na:

  • Mas madali at mas mabilis na makagawa ng bagong wallet sa secure na paraan
  • Mag-store ng naka-encrypt na backup ng iyong secret phrase na ikaw lang ang may access
  • Mag-access ng walang aberya at secure na online na tool sa pag-recover para sa iyong wallet

Kung minsan, hindi naba-back up ng mga taong gumagamit ng mga self-custody wallet gaya ng Trust Wallet ang kanilang secret phrase na may 12 salita sa secure na paraan – na humahantong sa tuluyang pagkawala ng mga pondo. Sa feature na pag-back up ng secret phrase sa cloud, ginagawa naming walang aberya ang pag-back up at pag-recover mo ng iyong wallet, at para mas maprotektahan mo ang iyong mga digital asset.

Pareho ko bang kailangan ang naka-encrypt na backup sa cloud at manu-manong isinulat na backup ng secret phrase ko?

Lubos naming inirerekomendang gamitin mo ang feature na pag-back up sa cloud bukod pa sa pagsusulat at secure na pag-store ng nakasulat na pisikal na kopya ng iyong secret phrase.

Mahalagang tandaan na kung sakaling mawawalan ka ng access sa secret phrase ng iyong wallet, may panganib na mawala sa iyo ang lahat ng digital asset sa wallet. Gamitin ang dalawang opsyon para sa dagdag na proteksyon at para makatulong na pigilang mawala ang iyong mga digital asset.

Mayroon ka bang mga tanong?

Tingnan ang aming detalyadong page ng FAQ para sa mga pinakakaraniwanag itinatanong tungkol sa feature na pag-back up sa cloud ng Trust Wallet. Kung sakaling kailangan mo ng karagdagang tulong, makipag-ugnayan sa aming support team.

4 Likes