Nang binibigyang-diin ang tuloy-tuloy na functionality at seguridad, inilunsad ng Trust Wallet ang support sa hardware wallet para sa browser extension nito
Nasasabik kaming ianunsyo ang support ng Ledger hardware wallet para sa Browser Extension ng Trust Wallet. Puwede mo na ngayong gamitin ang tuloy-tuloy na functionality ng Trust Wallet para i-access ang Web3 habang pinapanatiling ganap na offline ang iyong mga pribadong key.
Mga pangunahing matututuhan:
- Mas maraming tao ang gustong i-self custody ang kanilang mga digital na asset – kaya dumating sa tamang oras ang pag-integrate ng Trust Wallet ng support sa hardware wallet.
- Pinapasimple ng Trust Wallet ang pag-access sa mga hardware wallet. Kumonekta sa mga dApp, ilipat ang mga asset sa cold storage, at higit pa gamit ang madaling gamiting user interface ng Trust Wallet.
- Pinakinggan namin ang aming komunidad sa paghahatid ng mga feature tulad ng support sa Ledger, at multi-wallet – at umaasa kaming sama-sama nating papahusayin pa ang Trust Wallet.
Pagdaragdag sa aming pundasyon ng seguridad
Umabot kamakailan ang mga pagbili gamit ang hardware wallet sa mga record level, at naiulat ng Ledger ang araw na may pinakamarami itong benta sa buong kasaysayan. Mas maraming tao ang gustong gawing diverse kung paano nila nako-custody ang kanilang mga asset, kaya dumating sa tamang oras ang pag-integrate ng Trust Wallet ng support sa Ledger.
Ginagawa naming mas accessible ang Web3 habang bumubuo ng mga feature na nakakatulong sa mga taong panatilihing ligtas ang kanilang mga asset. Ginagamit at pinagkakatiwalaan na ang Trust Wallet ng mahigit 60 milyong tao, at seguridad ang pundasyon ng lahat ng ginagawa namin. At dinaragdagan namin ang pundasyong ito ng seguridad sa pamamagitan ng pagbibigay sa aming komunidad ng opsyong gumamit ng mga cold storage wallet tulad ng Ledger kasabay ng kanilang Trust Wallet.
Hinding-hindi ikinokonekta ang mga cold storage wallet tulad ng Ledger sa internet – kaya madalas na tinatawag na “cold wallet” ang mga ito. Ang pagiging ganap na offline ay nagbibigay ng opsyonal na antas ng seguridad, na dahilan kung bakit madalas na gumagamit ang mga tao ng mga cold wallet para sa pangmatagalang storage ng mga digital na asset.
Sa kabilang banda, ang Trust Wallet ay isang “hot wallet,” na nakakonekta sa internet. Dahil dito, magandang gamitin ang Trust Wallet para sa pag-explore ng mga Web3 dApp, pang-araw-araw na transaksyon, at ligtas na pamamahala sa iyong mga digital na asset. Kapag pinagsama mo ang Ledger at ang Trust Wallet, magkakaroon ka ng mahusay na kumbinasyon ng seguridad ng cold storage at functionality ng hot wallet.
“Sa pamamagitan ng suporta sa Ledger, binubuksan namin ang pinto para sa aming komunidad na gumamit ng mga hardware wallet kasabay ng Trust Wallet,” sabi ni Michael Lwin – Senior Product Manager, Browser Extension ng Trust Wallet. “At hindi lang iyon… magagamit na ng mga user ng Ledger na naghihintay para sa feature na ito ang tuloy-tuloy na functionality ng Trust Wallet. Lahat mula sa pagkonekta sa mga dApp at pisikal na pagpirma sa mga transaksyon sa mga Testnet para sa mga developer – naroon lahat ng ito. Isa na naman itong hakbang na nagpapalapit sa Trust Wallet sa pagbuo ng isang ecosystem na madaling gamitin, pero sobrang secure din.”
Gamitin ang “multi-wallet” para maglipat ng mga asset sa iyong crypto vault
Ang paglulunsad ng support sa Ledger hardware ay nagbigay-daan din sa paghahatid ng feature na “multi-wallet” na hiniling ng marami sa Browser Extension ng Trust Wallet. Nagbibigay-daan sa iyo ang multi-wallet na secure na dagdagan, i-import, at pamahalaan ang lahat ng iyong wallet sa iisang lugar – kasama ang lahat ng address ng Trust Wallet at address ng Ledger wallet mo.
Ang bawat wallet na ise-set up mo ay may sarili nitong nauugnay na secret phrase, na pinapababa ang panganib at pinapanatiling mas secure ang iyong mga asset. Gamitin ang multi-wallet para gumawa ng mga hiwalay na wallet para sa DeFi, paglalaro, cold storage, mga pang-araw-araw na transaksyon, at anupamang gusto mo.
Sa multi-wallet, magagawa mo ring lagyan ng alyas ang bawat wallet, para madali mong masubaybayan ang mga ito. Ito ang pinakamagandang paraan para pamahalaan ang lahat ng wallet mo, kasama ang mga hot wallet at cold wallet, sa iisang lugar.
Ikonekta ang iyong Ledger sa Browser Extension ng Trust Wallet
Simple lang ikonekta ang iyong Ledger sa Browser Extension ng Trust Wallet.
Gamitin ang gabay sa pagsisimula na ito para tulungan kang mabilis na mag-set up
Mayroon din kaming komprehensibong FAQ sa Ledger at functionality ng multi-wallet.
Kasama sa pag-release na ito ang support para sa:
- Mga Ledger device - ikonekta ang anumang Ledger device sa Browser Extension ng Trust Wallet.
- Multi-wallet - dagdagan, i-import, at pamahalaan ang lahat ng iyong wallet (kasama ang mga Ledger wallet) sa isang lugar.
- Mga Testnet - i-test ang functionality ng blockchain para sa mga developer
Pagbuo kasama ng aming komunidad
Available sa publiko ang unang release ng suporta sa Ledger at multi-wallet. Bahagi ito ng mas malaking pagkilos para gawing mas sangkot ang aming komunidad sa paghubog sa Trust Wallet.
Nagbibigay-daan ang mga pag-release ng version na ito sa mga miyembro ng aming komunidad na subukan ang mga bagong feature, magbigay ng mahahalaga nilang feedback, at iparinig ang kanilang mga boses sa pagpapahusay sa ecosystem ng Trust Wallet.
Kaya subukan na ang Browser Extension ng Trust Wallet dito, at siguraduhing i-follow kami sa Twitter@TrustWallet habang sama-sama nating binubuo ang Trust Wallet at sama-sama tayong naghahatid ng higit pang feature para tulungan ang mga taong mag-access ng Web3 at panatilihing ligtas ang kanilang mga asset.
Mga Madalas na Itanong
Ligtas bang ikonekta ang aking Ledger sa bagong version release?
Oo, ligtas ikonekta ang iyong Ledger sa Browser Extension ng Trust Wallet. Ang seguridad ng iyong mga asset ay ang pangunahing priyoridad namin, at hinding-hindi magkakaroon ng access ang Trust Wallet sa secret phrase o mga pribadong key ng iyong Ledger hardware wallet. Bukod dito, idinisenyo ng Ledger ang mga hardware wallet nito sa paraang imposibleng ma-access ang mga pribadong key mo nang walang access sa aktwal na pisikal na device.
Dagdag pa rito, dahil ang mga transaksyon sa Ledger ay ganap na pinapangasiwaan ng Ledger SDK, walang panganib para sa Ledger wallet mo na makompromiso nang dahil lang sa pagkonekta sa Browser Extension ng Trust Wallet. Hindi pinapayagan ng Ledger SDK, sa anumang paraan o anyo, ang anumang access sa mga pribadong key ng mga tao.
Puwede mong gamitin ang pareho kung gusto mo!