Kumpletong pangkalahatang-ideya ng seguridad ng Trust Wallet

Pagbuo ng Secure na Self-Custody na Ecosystem, Kasama ng at Para sa Aming Komunidad

Seguridad ang pundasyon ng ginagawa namin sa Trust Wallet. Sa tiwala ng mahigit 60 milyong user sa buong mundo, maagap ang aming diskarte sa seguridad na nagpapanatiling secure at nasa kontrol mo ang iyong mga asset.

Misyon naming bumuo ng tuloy-tuloy na gateway sa Web3 at bukas na ecosystem na nagbibigay-daan sa secure at desentralisadong mundo. Mula sa makabagong pag-encrypt at seguridad hanggang sa isang buong team na nakatuon sa pagtulong sa mga tao sa buong mundo na ma-navigate nang ligtas ang Web3, ang seguridad mo sa espasyong ito ang nangunguna naming priyoridad.

Sa artikulong ito, bibigyang-diin namin ang iba’t ibang paraan kung paano ka namin tinutuungang panatilihing ligtas ang iyong mga crypto asset at karanasan sa Web3.

Mga Nilalaman

Bakit matindi ang pagtuon ng Trust Wallet sa seguridad?

Ang seguridad mo pagdating sa Web3 ang nangunguna naming priyoridad. At bagama’t nangangako ang Web3 na magbibigay ito ng mas matinding kalayaang pinansyal at ganap na pagmamay-ari sa iyong data at mga asset, puwede rin itong maapektuhan ng maraming banta sa labas. Nauunawaan namin na kailangan ng mga tao ng maraming suporta hangga’t maaari para mapanatiling ligtas ang kanilang mga asset at para maging kumportable sila sa pagtuklas sa desentralisadong web.

Kaya naman ang seguridad ay nasa sentro ng lahat ng ginagawa namin dito sa Trust Wallet. Hindi lang namin gustong magkaroon ka ng tuloy-tuloy na access sa lahat ng maiaalok ng crypto at Web3, gusto rin naming ligtas kang makalahok sa espasyong ito. Ang aming diskarte sa seguridad ay maagap, maraming aspeto, at kinabibilangan ng lahat mula sa pag-encrypt na nangunguna sa industriya sa lahat ng aming produkto hanggang sa one-to-one na pakikipag-ugnayan sa aming mga user kapag kinakailangan.

Ilalarawan namin sa ibaba ang maraming paraan kung paano namin pinapangasiwaan ang seguridad para mas maunawaan mo kung bakit secure ang iyong mga asset at karanasan sa Trust Wallet.

Makabagong pag-encrypt at seguridad

Ang teknolohiyang nagpapagana sa Trust Wallet ay na-develop nang nasa sentro nito ang pag-encrypt at seguridad na nangunguna sa industriya. Lagi naming ina-upgrade ang Trust Wallet para maunahan ang anumang banta at mapanatiling ligtas ang iyong karanasan sa Web3 hangga’t maaari.

Matindi ang pagkaka-encrypt sa iyong mga pribadong key gamit ang AES algorithm at secure ding naka-store ang mga ito sa iyong device. Matindi ang pag-hash sa passcode na itatakda mo para sa Trust Wallet sa iyong mobile device bago ito i-save sa device mo at sino-store ito sa tamper-proof na key store. Dagdag pa rito, habang ginagamit mo ang alinman sa aming mga produktong wallet, ang password at mga pribadong key ng iyong wallet ay hindi umaalis sa iyong device at hindi ipinapadala sa pamamagitan ng internet o inilalantad sa mga third party.

Mga in-app na notification sa seguridad

Regular naming sinusubaybayan ang mga banta sa crypto ecosystem na posibleng makaapekto sa aming mga user. Kapag kinakailangan, nagpapadala kami ng mga push notification sa Trust Wallet mobile app at sa Trust Wallet Browser Extension. Depende sa lala ng isyu, magsasama rin kami ng mga partikular na tagubilin, mga link sa mga gabay, at aming impormasyon sa pakikipag-ugnayan para malaman mo kung ano mismo ang gagawin mo.

Halimbawa, posibleng ganito ang hitsura ng isang notification sa Trust Wallet Browser Extension:

Gayundin, pana-panahon kaming nagpapadala ng mga panseguridad na notification, alerto, at babala sa mga user ng Trust Wallet Mobile App. Iba’t iba ang anyo ng mga notification na ito, kasama na ang mga direktang babala sa app, mga banner notification sa iyong mobile device, at iba pa ayon sa kinakailangan. Baka makakita ka ng ganitong notification:

iPhone 13 Pro Maxiphone_meditactiveFB

iPhone 13 Pro Maxiphone_meditactiveFB418×509 117 KB

At puwede ka ring makakita ng mga banner notification sa iyong mobile device, mga banner notification sa browser, at iba pa ayon sa kinakailangan.

Hinihikayat ka naming payagan ang mga notification sa iyong mobile device para sa Trust Wallet, pati na rin ang mga notification sa iyong desktop browser para wala kang mapalampas na mahalagang update ng Trust Wallet o kritikal na babala sa seguridad.

Napakahalagang sundin agad ang mga panseguridad na notification na ipinapadala namin para mapanatiling ligtas ang iyong mga asset. Kung sakaling nag-aalinlangan ka kapag nakakita ka ng notification, inirerekomenda namin na huwag mo itong ibahagi sa publiko sa internet (halimbawa, sa Twitter o Discord) dahil posible itong humantong sa potensyal na mapaminsalang aktibidad mula sa masasamang loob, para mapanatiling ligtas ang iba pang user, at agad makipag-ugnayan sa aming team ng suporta dito.

Naka-built in na proteksyon laban sa hindi awtorisadong pag-access

Ang iyong seguridad ay ang aming nangungunang priyoridad. Bilang bahagi ng pagsisikap naming panatilihing ligtas ang iyong crypto at karanasan sa Web3, ang Trust Wallet ay may mga naka-built in na feature na tumutulong na protektahan ka laban sa mga banta sa labas at hindi awtorisadong pag-access sa iyong mga asset.

Secure Secret Phrase

Kapag gumawa ka ng bagong wallet address gamit ang Trust Wallet, bubuo ka rin ng secret phrase na may 12 salita na nagbibigay sa iyo, bilang may-ari ng wallet, ng ganap na access at kontrol sa mga pondo. Sine-secure ng secret phrase na ito ang pribadong key para sa bawat blockchain address na nauugnay sa bawat wallet na gagawin mo, at matindi ang pag-encrypt sa iyong mga pribadong key gamit ang AES algorithm.

Proteksyon ng passcode at password

Matindi ang pag-hash sa password o passcode sa Trust Wallet na itatakda mo bago ito i-save sa device mo, at sino-store ito sa tamper-proof na key store. Mas sinusulit pa ng Trust Wallet ang biometric na seguridad ng iyong mobile device at lubos din naming inirerekomenda na lagi mong i-on ang function na Applock at piliin ang opsyong Manghingi ng Authentication para sa pag-sign sa mga transaksyon.

Mga gabay para i-enable ang proteksyon ng passcode sa Trust Wallet sa iyong mobile device:

Paano i-enable ang App Lock para sa Trust Wallet sa mga iOS device

Paano i-enable ang passcode sa mga Android device

Mga patakaran sa paghahayag ng kahinaan na nagpapanatili sa iyong ligtas

Ang Trust Wallet ay isang aktibong tagapag-ambag sa open-source na komunidad ng Web3, halimbawa, sa pamamagitan ng aming pakikipagtulungan sa Wallet Core. Puwede kang magbasa pa rito tungkol dito. Ang aming patakaran sa paghahayag ng mga kahinaan ay isang patakaran na nagbibigay ng priyoridad sa kaligtasan ng mga user. Gagawing available ang mga ulat sa anumang kahinaan, hangga’t mareremedyuan ang kahinaang pinag-uusapan at secure ang sinumang naapektuhang user.

Secure na naka-integrate na karanasan sa app

Sa suporta sa mahigit 8+ milyong asset, 70+ blockchain, at iba’t ibang paraan para i-explore ang Web3 sa app mismo, nagsisikap kaming gawing secure mong tahanan para sa crypto ang Trust Wallet. Hindi ka lang ligtas na makakapag-store, makakapagpadala, at makakatanggap ng milyon-milyong asset sa Trust Wallet, magagawa mo ring:

  • Ligtas na i-explore ang libo-libong Web3 decentralized application (dApp) gamit ang aming naka-integrate na dApp browser
  • Bumili ng crypto sa app mismo gamit ang fiat na paraan ng pagbabayad
  • Mag-stake ng crypto sa app mismo
  • Pamamahala ng lahat ng iyong digital asset kasama na ang mga NFT

Lahat ng ito ay bahagi ng mas matindi naming pagsisikap na mabigyan ka ng secure na paraan para i-access ang lahat ng maiaalok ng Web3.

Madaling access sa aming team ng suporta

Sa Trust Wallet, mayroon kaming madaling i-access na team ng suporta ng mga totoong tao na laging handang tumulong. Nauunawaan namin na kung minsan, posibleng maging nakakalito ang mundo ng crypto, kaya naman nandito ang aming team ng suporta para tumulong sa anumang tanong na mayroon ka.

Makipag-ugnayan sa aming team ng suporta anumang oras dito

Trust Wallet Security Scanner

Ang Trust Wallet Security Scanner ay isang naka-built in na feature na nagde-detect ng mga potensyal na panganib kapag nagsagawa ka ng mga transaksyon sa crypto mula sa wallet. Layunin naming gawing ligtas ang iyong crypto at karanasan sa Web3 hangga’t maaari, kaya bawat transaksyon ay tinatalagahan ng antas ng panganib, at maagap kang inaalertuhan ng app sa pamamagitan ng mensahe ng babala. Sa pamamagitan nito, mas makakapagpasya ka nang nakabatay sa kaalaman tungkol sa iyong mga transaksyon.

Secure na pamamahala at pag-back up ng pribadong key

Lagi kaming naghahanap ng mga pagkakataong gawing mas ligtas at mas madaling gamitin ang Web3. Sa aming paparating na solusyon sa pamamahala ng pribadong key, magkakaroon ka ng mga karagdagang opsyon para secure na ma-back up ang iyong pribadong key. Makakatulong ang feature na ito sa mas maraming user na maiwasang mawalan ng anumang pondo dahil sa pag-store ng pribadong key na hindi maayos na napamahalaan. Naniniwala kami na hindi lang tungkol sa mga banta sa labas ang seguridad, tungkol din ito sa pagpapaganda sa karanasan ng user.

Suporta sa Hardware Wallet

Nakatulong sa amin ang paglulunsad ng aming browser extension na makapagdala ng secure na karanasan sa Web3 sa mas marami pang tao kaysa noon. Sa introduksyon ng suporta sa hardware wallet, masusulit ng mga tao ang seguridad ng Trust Wallet na nangunguna sa industriya habang nakakapaglipat sila ng mga asset sa cold storage. Siguraduhing i-follow kami sa Twitter @TrustWallet para malaman mo kung kailan namin ilulunsad ang nakaka-excite na feature na ito.

Mga karagdagang gabay sa seguridad

Hinihikayat ka naming matuto pa kung paano mo mapapanatiling secure ang iyong karanasan sa Web3 gamit ang mga gabay sa ibaba.

Paano i-secure ang iyong Trust Wallet

Pinakamahuhusay na kagawian para sa pag-store ng iyong secret phrase

Mga panseguridad na tip para sa mga user ng Trust Wallet

Paano i-enable ang App Lock para sa Trust Wallet sa mga iOS device

Paano i-enable ang passcode sa mga Android device.

May mga tanong ka pa rin ba?

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa seguridad ng Trust Wallet, sa aming platform, o kahit ano pa, makipag-ugnayan sa aming team ng suporta at ikalulugod naming tumulong.

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino

1 Like