Paano i-stake ang iyong crypto sa Trust Wallet at Makakuha ng Mga Reward

Staking Trust Wallet

Isang sunod-sunod na tutorial kung paano mag-stake ng crypto nang direkta sa Trust Wallet at makakuha ng mga reward

Nagbibigay-daan sa iyo ang Trust Wallet na native na mag-stake ng crypto at makakuha ng mga reward. Ibig sabihin noon, mabilis, madali, at secure na i-stake ang iyong crypto.

Ang pag-stake ng crypto ay isang paraan para makakuha ng mga reward para sa paglahok sa seguridad ng isang blockchain network. Kasama rito ang paghawak o “pag-stake” ng isang partikular na halaga ng crypto bilang validator para makatulong na mag-validate ng mga transaksyon sa network.

Sa gabay na ito, magbibigay kami ng maikling introduksyon sa kung ano ang pag-stake at kung paano mo mase-stake ang iyong crypto at kung paano ka makakakuha ng mga reward gamit ang Trust Wallet ngayon.

Ang kailangan mo para makapagsimula

Kakailanganin mo ang Trust Wallet mobile app na may ilang crypto na gusto mong i-stake.

Kung wala ka pang Trust Wallet, puwede mong i-download ang mobile app dito 2, at pagkatapos ay bilhin ang crypto na gusto mong i-stake 2 gamit ang card o magdeposito ng crypto sa iyong Trust Wallet address mula sa centralized exchange gamit itong gabay sa paglilipat ng crypto 3.

Paano i-stake ang iyong crypto gamit ang Trust Wallet

May ilang crypto asset na puwede mong i-stake sa Trust Wallet para makakuha ng mga reward.

Ganito kung paano piliin ang asset na gusto mong i-stake at pagkatapos ay magpatuloy sa pag-stake.

Hakbang 1: Buksan ang Trust Wallet at piliin ang tab na “Tuklasin.”

Hakbang 2: Mula sa screen na Tuklasin, puwede mong piliin ang isa sa mga ipinapakitang asset na ise-stake o i-tap ang arrow na tingnan lahat para makakita pa ng mga opsyon sa pag-stake na mapagpipilian.

Screenshot_20230210-140914

Hakbang 3: Kapag napili mo na ang asset na gusto mong i-stake, piliin ang button na “I-stake.”

Screenshot_20230210-140937

Hakbang 4: Mula rito, susuriin mo ang mga detalye ng iyong pag-stake, pipili ka ng iyong halaga, at pagkatapos ay kukumpirmahin mo ang iyong paglipat sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang sa screen.

Depende sa blockchain at asset na sine-stake mo, may iba’t ibang iskedyul ng reward na kinokontrol ng protocol.

Makipag-ugnayan sa aming team ng support 5 kung sakaling kailanganin mo ng tulong.

Mga karagdagang gabay sa pag-stake:

Hinihikayat ka naming tingnan ang mga partikular na gabay para sa pag-stake ng mga asset kung kailangan mo pa ng mga detalye. At gaya ng nakasanayan, nandito ang aming team ng support para tulungan ka sa mga karagdagang tanong.

Pag-stake ng Cardano 3

Pag-stake ng Polkadot 1

Pag-stake ng Solana 4

Higit pa tungkol sa pag-stake

Sa pag-stake, karaniwang may dalawang pangunahing tungkulin, ang pag-validate at pag-delegate. Responsable ang mga validator sa pag-verify at pagproseso ng mga transaksyon at nakakatanggap sila ng mga reward para sa kanilang mga pagsisikap. Sa kabilang banda, ang mga delegator ay mga indibidwal o organisasyon na posibleng walang teknikal na kaalaman o resource para magpatakbo ng node ng pag-validate – pero gusto pa ring sumali sa proseso ng pag-stake at makatanggap ng mga reward.

Sa ganitong sitwasyon, “ide-delegate” ng isang delegator ang kanyang stake (ang kanyang crypto) sa pinagkakatiwalaang validator. Ang mahalagang bagay na dapat tandaan dito ay mananatili ang crypto sa kontrol ng delegator ng mga ito, pero ang mga reward na nakuha ng validator ay ibabahagi sa delegator.

Ano ang Trust Wallet?

Ang Trust Wallet mobile, na ginagamit ng mahigit 60 milyong tao sa buong mundo, ay isang madaling gamitin at totoong multi-chain na self-custody wallet, na nagbibigay-daan sa iyong mag-store at mamahala ng mahigit 8 milyong crypto asset kasama na ang mga NFT sa 70 blockchain. Hindi na kailangang i-store ang iyong mga asset sa maraming website o palitan ng kustodiya! Magiging panatag ka dahil alam mong nasa iisang ligtas na lugar ang iyong mga asset.

Naka-store ang iyong mga pribadong key sa device mo at ang iyong mga asset ay nasa chain, ibig sabihin, mayroon kang kumpletong kontrol sa lahat ng pagkakataon. Binibigyan ka ng Trust Wallet ng kakayahang native na bumili, mag-swap, at mag-stake ng paborito mong crypto nang hindi kinakailangang umalis sa app at kumonekta rin sa mga dApp gamit ang built-in na dApp browser.

Magsimula tayong mag-stake!

1 Like