Paano Magpadala at Tumanggap ng BNB sa Smart Chain

Ano ang Binance Smart Chain?

Ang Binance Smart Chain (BSC) ay isang network na compatible sa EVM, na na-fork mula sa “go-ethereum”. Sumusuporta ito sa mga smart contract at umaasa ito sa bagong mekanismo ng consensus: ang Proof-of-Staked Authority (PoSA) consensus (“Parlia”), na may mga elemento mula sa Proof of Stake at Proof of Authority. Saktong inilunsad ng komunidad ng Binance Chain ang BSC para sa rebolusyon ng DeFi (decentralized finance), dahil nagpakita ang publiko ng mas matinding interes sa mga alternatibong pinansyal na solusyon na pinapagana ng blockchain.

Sa madaling salita, isa itong blockchain na tumatakbo nang kasabay ng Binance Chain. Ginagamit ang BNB para sa naka-delegate na pag-stake sa authority validator, na humahantong sa mga reward sa pag-stake para sa mga user at validator. Live ang BSC sa mainnet, at handa na itong masubukan at ma-pilot ng ilan sa mga nangungunang proyekto sa industriya ng crypto, at inaasahan na lubos nitong madaragdagan ang gamit ng Binance Chain at BNB.

Sinusuportahan ng Trust Wallet ang Binance Smart Chain

Pagkatapos na pagkatapos mailunsad ang BSC mainnet, nagdagdag ang Trust Wallet ng suporta para sa network. Puwede ka nang magpadala at tumanggap ng BNB gamit ang iyong Smart Chain address. Siguraduhin lang na i-install ang pinakabagong update na available para sa iyong device. Magkakaroon ng napakaraming nakaka-excite na feature na malapit nang i-enable sa app para suportahan ang BSC, kaya manatiling nakaantabay.

Mula ngayon, ipapakita namin sa iyo kung paano mo madaling maililipat ang iyong mga BNB token sa Binance Smart Chain.

Pagtanggap ng BNB sa BSC

Sa ngayon, may 2 paraan lang para makakuha ng BNB sa iyong Smart Chain address:

  • Makatanggap ng BNB mula sa isa pang user ng Trust Wallet
  • Mag-withdraw sa isang address sa BSC mula sa Binance.com

Hindi na kailangang ipaliwanag ang una, kaya ang pangalawang opsyon ang pagtutuunan natin. Puwede mo nang i-withdraw ang iyong BNB mula sa isang account sa palitan ng Binance papunta sa iyong Smart Chain address sa Trust Wallet. Narito ang opisyal na anunsyo.

Kunin ang address sa Smart Chain

Hanapin ang Smart Chain at i-enable ito sa app. Pagkatapos, i-tap ang Tumanggap para makita ang address. I-tap ang Kopyahin para i-save ang address sa clipboard ng device mo.

image

image

Mag-withdraw ng BNB sa BSC

Sa iyong account sa Binance, buksan ang BNB wallet mo pagkatapos ay mag-tap sa Mag-withdraw. Piliin ang BEP20 bilang Network. Isaad ang halaga at kumpletuhin ang mga hakbang para makapag-withdraw.

image

image

Hintaying iproseso ng palitan ang iyong kahilingan. Kapag nakumpirma na ito, makakatanggap ka agad ng BNB sa iyong Smart Chain address.

image

image

Pagpapadala ng BNB mula sa isang Smart Chain address

Ang BNB na nasa iyong Smart Chain address ay puwede lang ipadala sa isa pang Smart Chain address. Siguraduhin na sa Smart Chain address ka magpapadala para maging #SAFU ang mga pondo mo. Hindi magkakaroon ng anumang isyu sa pagpapadala ng BNB sa isang user ng Trust Wallet, dahil ganap itong sinusuportahan. Pero kung sakaling gusto mong i-trade ang iyong BNB, sa ngayon, maipapadala mo ang mga ito sa iyong account sa Binance.

Ganito ang proseso:

Kunin ang Address ng Deposito sa Binance

Kailangan mong piliin ang BEP20 Network para sa Address ng deposito sa BNB at pagkatapos ay Kopyahin ang address.

image

Maghandang magpadala ng BNB

Buksan ang iyong Smart Chain wallet sa Trust Wallet at pagkatapos ay mag-tap sa Magpadala. Punan ang mga detalye, ilagay ang Address ng network sa BSC at ang halaga. Mag-tap sa Magpatuloy.

image

I-double check ang transaksyon bago mo pindutin ang Ipadala. Ipapadala agad ang mga BNB token.

image

image

Maghintay ng Kumpirmasyon

Dahil magpapadala ka ng BNB sa isang palitan, magkakaroon ng kinakailangang dami ng mga kumpirmasyon bago ipakita ang iyong deposito. Kung nailagay mo nang tama ang tamang address ng deposito, handa ka na.

image

image

Paano Tumingin ng mga Transaksyon sa BSC?

Ginawa ang BscScan, ang block explorer para sa Binance Smart Chain (BSC) ng team ng Etherscan, at pareho nitong sinusuportahan ang BSC mainnet at testnet. Marami itong feature na katulad ng sa Etherscan.

BscScan.com: Ang Block Explorer ng Binance Smart Chain

Heto na ang BscScan.com, ang block explorer para sa Binance Smart Chain (BSC)!

Tagal ng pagbabasa: 2 min pagbabasa

Ano ang Susunod na Mangyayari?

Gusto ng mga komunidad ng Binance Smart Chain na magdagdag ng mga function gaya ng pag-isyu at paglilipat ng token, pag-stake ng BNB, at paggawa at paggamit ng dApp. Laging mangunguna ang Trust Wallet sa bawat development ng BSC. Manatiling nakatutok!

Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino
Tiktok: TikTok - Make Your Day