Paggamit ng Trust Wallet sa Iyong Ledger Hardware Wallet - Mga Madalas na Itanong (Frequently Asked Questions o FAQ)
Paano ko ikokonekta ang aking Ledger device sa Browser Extension ng Trust Wallet?
Una, kailangan mo ng pinakabagong bersyon ng Browser Extension ng Trust Wallet para sa iyong web browser. Kunin ang pinakabagong bersyon dito.
Pagkatapos, basahin ang aming kumpletong gabay sa pag-set up dito.
Nalilito ako. Address ng Trust Wallet ko ba itong tinitingnan ko o address ng Ledger wallet ko ba ito?
Kapag ikinonekta mo ang iyong Ledger wallet sa browser extension, baka mapaisip ka kung address ng Ledger wallet mo ang tinitingnan mo o address ng Trust Wallet mo.
Ang madaling paraan para malaman ay tingnan ang icon sa tool na tagapili ng wallet sa ibaba ng iyong balanse sa wallet:
- May lalabas na icon ng Trust Wallet kapag address ng Trust Wallet ang tinitingnan mo
- May lalabas na icon ng Ledger kapag address ng Ledger wallet ang tinitingnan mo
Ang isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay bagama’t nakikita mo ang iyong Trust Wallet at Ledger Wallet sa isang madaling gamiting interface, ganap na magkaibang wallet ang mga ito.
Kasama sa mahahalagang pagkakaibang dapat tandaan ang sumusunod:
- Ang Trust Wallet ay isang “hot wallet,” na sine-secure ng secret phrase na may 12 salita na binubuo kapag na-set up mo ang Trust Wallet.
- Ang Ledger ay isang “cold wallet,” na sine-secure ng secret phrase nito na may 24 na salita na binubuo kapag na-set up mo ang iyong Ledger device.
- Sa iyong Trust Wallet, ang pahintulot na pumirma sa mga transaksyon sa dApp at magpadala ng crypto mula sa wallet ay direktang kinokontrol sa web extension.
- Bagama’t ipinapakita ang iyong Ledger wallet sa Trust Wallet, ang pahintulot na pumirma sa mga transaksyon sa dApp at magpadala ng crypto mula sa wallet ay kontrolado ng iyong aktwal na Ledger device.
Kapag gumagawa ng mga transaksyon sa iyong Ledger gamit ang Browser Extension ng Trust Wallet, palaging may karagdagang hakbang na pisikal na kumpirmahin ang mga transaksyon sa hardware device.
Bukod dito, gamit ang feature na “multi-wallet” ng browser extension, madali kang makakapag-toggle sa mga address ng Trust Wallet at address ng Ledger wallet mo.
Hindi ko nakikita ang lahat ng digital na asset ko mula sa aking Ledger sa Browser Extension ng Trust Wallet. Nasaan ang mga ito?
Maa-access mo lang ang mga blockchain na compatible sa EVM sa iyong Ledger sa pamamagitan ng Trust Wallet sa ngayon. Kabilang dito ang Ethereum, BNB Chain, Polygon, Avalanche, at lahat ng iba pang EVM blockchain.
Gayunpaman, kung hindi mo nakikita ang lahat ng iyong ERC20 token, puwede mong idagdag ang mga ito bilang custom na token sa ganitong paraan:
- I-click ang filter icon sa extension ng Trust Wallet sa kanang sulok sa itaas
- I-click ang “Magdagdag ng custom na token” at piliin ang token network.
- I-paste ang address ng kontrata para sa token na idinaragdag mo, at i-click ang “Idagdag ang token.”
Bakit ayaw kumonekta ng Ledger sa Browser Extension ng Trust Wallet?
May ilang posibleng dahilan para dito. Narito ang ilang bagay na iminumungkahi naming tingnan mo:
- Tiyaking nakakonekta nang maayos ang iyong Ledger device sa computer mo at naka-on ito.
- Isara ang Ledger Live software sa iyong computer, dahil puwede itong sumalungat sa Browser Extension ng Trust Wallet.
- Tiyaking naka-unlock ang Ledger mo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong PIN mula sa lock screen ng Ledger.
- Tiyaking tama ang app na nakabukas sa iyong Ledger. Halimbawa, kung ina-access mo ang mga address ng Ethereum o ERC20, tiyaking bukas ang Ethereum app sa iyong Ledger.
- Tingnan kung walang sira ang cable na nagkokonekta ng iyong Ledger sa computer.
- Tiyaking updated ang firmware ng Ledger device at updated din ang mga nauugnay na blockchain app sa iyong mga Ledger device.
- I-restart ang iyong computer.
Kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, makipag-ugnayan sa aming team ng support.
Paano ako maglilipat ng crypto sa pagitan ng Ledger at Trust Wallet?
Gamitin ang feature na “multi-wallet” ng browser extension para dagdagan at pamahalaan ang lahat ng iyong iba’t ibang wallet, kasama ang Ledger mo – at maglipat-lipat ng mga crypto sa mga ito nang walang kahirap-hirap.
Tingnan ang aming gabay sa Ledger dito para sa mga tagubilin.
Puwede ko bang gamitin ang Trust Wallet Mobile App sa aking Ledger?
Sa ngayon, puwede mong ikonekta ang iyong Ledger hardware wallet sa Browser Extension ng Trust Wallet. Nagsisikap kaming dalhin ang support sa Ledger para sa Trust Wallet Mobile App, kaya i-follow kami sa Twitter @TrustWallet para wala kang mapalampas na update.
Hindi ko dala ang device Ledger ko. Maa-access ko pa rin ba ang aking Ledger wallet gamit ang Browser Extension ng Trust Wallet?
Kung inawtorisahan mo dati ang koneksyon sa pagitan ng iyong Ledger at Browser Extension ng Trust Wallet, puwede mong tingnan ang iyong mga address ng Ledger wallet – pero hindi mo mapipirmahan at makukumpirma ang anumang transaksyong hiniling sa pamamagitan ng Trust Wallet.
Halimbawa, hindi ka makakapagpadala ng crypto o hindi mo makukumpirma ang anumang halaga ng paggastos mula sa iyong Ledger wallet. Kakailanganin mo ang pisikal na device para pirmahan at aprubahan ang anumang transaksyon.
Compatible ba ang lahat ng Ledger device sa Browser Extension ng Trust Wallet?
Oo, puwede mong gamitin ang anumang Ledger device sa Browser Extension ng Trust Wallet.
Ano pang ibang hardware wallet ang puwede kong gamitin sa Browser Extension ng Trust Wallet?
Sa kasalukuyan, gumagana ang Browser Extension ng Trust Wallet sa mga Ledger device. Tiyaking i-follow kami sa Twitter para manatiling nakasubaybay kapag nag-anunsyo kami ng support para sa iba pang hardware wallet.