Pagsisimula: Isang Komprehensibong Gabay sa Browser Extension ng Trust Wallet
Makakatulong sa iyo ang gabay na ito na mabilis na makapagsimula sa Browser Extension ng Trust Wallet. Layunin namin sa Trust Wallet na gawing accessible ang crypto web3 sa lahat. Gamitin ang Trust Wallet Extension para mag-store, magpadala, at tumanggap ng mahigit 8 milyong token at makipag-interact sa libo-libong Web3 decentralized application (dApp) gamit ang desktop browser mo.
Tingnan ang web page ng aming Browser Extension dito! 1.5k
Magsimula na tayo!
Paano mag-import o mag-recover ng kasalukuyang mobile wallet o web extension wallet
Sa Browser Extension ng Trust Wallet, makakapag-import ka ng mga mobile wallet at browser wallet kasama na ang iyong MetaMask, Coinbase Wallet, o iba pang wallet.
Puwede mo pa ngang i-import ang iyong Trust Wallet para tuloy-tuloy na ma-access ang iyong account sa mobile at desktop!
Kung wala ka pang mobile wallet o web extension wallet para ma-import, ayos lang iyon. Puwede kang lumaktaw papunta sa seksyon tungkol sa “Paano i-install ang Browser Extension ng Trust Wallet” para makapagsimula.
Sa seksyong ito:
- I-import ang iyong Trust Wallet mobile account
- I-import ang iyong MetaMask wallet
- I-import ang iyong Coinbase Wallet
- Mag-import ng ibang wallet
Paano i-import ang iyong Trust Wallet mobile account sa Trust Wallet Extension
Hakbang 1: Siguraduhing mag-click dito at i-install ang Trust Wallet Browser Extension 1.5k. Kung na-install mo na ang extension, lumaktaw sa Hakbang 2.
Hakbang 2: Buksan ang Trust Wallet sa iyong mobile device and at ilagay ang password mo kung kinakailangan.
Hakbang 3: Kunin ang iyong secret phrase na may 12 salita. Gagamitin mo ang secret phrase para i-import ang iyong account.
Piliin ang “Mga Setting” sa kanang bahagi sa ibaba ng Trust Wallet mobile app.
Pagkatapos ay piliin ang wallet na gusto mong i-import sa pamamagitan ng pagpili sa “Mga Wallet.”
Susunod, piliin ang simbolong “(i)” sa tabi ng wallet na gusto mong i-import.
Ngayon, piliin ang “Ipakita ang Secret Phrase” at sundin ang mga tagubilin para ipakita ang secret phrase mo.
Hakbang 5: Kopyahin ang secret phrase mula sa Trust Wallet mobile app.
Hakbang 6: Buksan ang Browser Extension ng Trust Wallet at piliin ang “Mag-import o mag-recover ng wallet.”
Hakbang 7: Ilagay o i-paste ang iyong secret phrase na may 12 salita, pagkatapos ay i-click ang “Magpatuloy.”
Hakbang 8: Magtakda ng password, sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
Na-import at handa na ang iyong wallet!
Paano i-import ang iyong MetaMast Wallet sa Trust Wallet Extension
Hakbang 1: Siguraduhing mag-click dito at i-install ang Trust Wallet Browser Extension 1.5k. Kung na-install mo na ang extension, lumaktaw sa Hakbang 2.
Hakbang 2: Buksan ang browser extension ng MetaMask o ang MetaMask mobile app, at ilagay ang iyong password kung kinakailangan.
Hakbang 3: Sas MetaMask, pumunta sa “Mga Setting” at pipliin ang “Seguridad at Privacy.”
Hanapin ang mga Setting sa MetaMask Extension Hanapin ang Mga Setting sa MetaMask mobile app
Hakbang 4: Piliin ang “Ipakita ang Secret Recovery Phrase.” Pagkatapos ay ilagay ang iyong password kung hihingin, at sundin ang mga tagubilin para ilabas ang secret phrase mo.
Hakbang 5: Kopyahin ang secret phrase mula sa MetaMask.
Hakbang 6: Buksan ang Browser Extension ng Trust Wallet at piliin ang “Mag-import o mag-recover ng wallet.”
Hakbang 7: Ilagay o i-paste ang iyong secret phrase na may 12 salita, pagkatapos ay i-click ang “Magpatuloy.”
Hakbang 8: Magtakda ng password, sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
Na-import at handa na ang iyong wallet!
Paano i-import ang iyong Coinbase Wallet sa Trust Wallet Extension
Hakbang 1: Siguraduhing mag-click dito at i-install ang Trust Wallet Browser Extension 1.5k. Kung na-install mo na ang extension, lumaktaw sa Hakbang 2.
Hakbang 2: Buksan ang browser extension ng Coinbase Wallet o ang Coinbase mobile app, at ilagay ang iyong password kung kinakailangan.
Hakbang 3: Sa Coinbase Wallet, pumunta sa “Mga Setting.”
Hakbang 4: Piliin ang “Ipakita ang recovery phrase” at pagkatapos ay ilagay ang iyong password kung hihingin, at sundin ang mga tagubilin para ilabas ang secret phrase mo.
Hakbang 5: Kopyahin ang secret phrase mula sa Coinbase Wallet.
Hakbang 6: Buksan ang Browser Extension ng Trust Wallet at piliin ang “Mag-import o mag-recover ng wallet.”
Hakbang 7: Ilagay o i-paste ang iyong secret phrase na may 12 salita, pagkatapos ay i-click ang “Magpatuloy.”
Hakbang 8: Magtakda ng password, sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
Na-import at handa na ang iyong wallet!
Paano i-import ang iba mo pang wallet sa Trust Wallet Extension
Puwede kang mag-import ng mga browser extension wallet o mobile wallet sa Browser Extension ng Trust Wallet. Dahil ang Trust Wallet ay isang totoong multi-chain wallet, puwede kang mag-import ng kahit ano pang ibang wallet na mayroon ka.
Para ma-import ang iyong wallet, kakailanganin mo ang iyong “secret phrase,” na kadalasang tinatawag ding “recovery phrase,” “seed phrase,” “pass phrase,” o katulad nito. Ang secret phrase na ito ay kadalasang may 12 salita, pero puwede rin itong maging 24 na salita o kahit 18 salita.
Ganito i-import ang iyong wallet sa Browser Extension ng Trust Wallet:
Hakbang 1: I-install ang Browser Extension Trust Wallet kung hindi mo pa nagagawa sa trustwallet.com/download. Kung na-install mo na ito, lumaktaw sa Hakbang 2.
Hakbang 2: Buksan ang extension o mobile app ng iyong wallet, ilagay ang password mo kung kinakailangan.
Hakbang 3: Hanapin ang opsyong “Mga Setting” ng iyong wallet at tingnan ang mga setting ng seguridad o secret phrase.
Hakbang 4: Titingnan mo na ngayon ang secret phrase. Kung minsan, tinatawag din itong recovery phrase o pass phrase. Siguraduhing ilagay ang iyong password kung hihingin, at sundin ang mga tagubilin para ilabas ang secret phrase mo.
Hakbang 5: Kopyahin ang secret phrase mula sa wallet mo.
Hakbang 6: Buksan ang Browser Extension ng Trust Wallet at piliin ang “Mag-import o mag-recover ng wallet.”
Hakbang 7: Ilagay o i-paste ang iyong secret phrase, pagkatapos ay i-click ang “Magpatuloy.”
Hakbang 8: Magtakda ng password, sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
Na-import at handa na ang iyong wallet!
Paano i-install ang Trust Wallet Extension
Para magamit ang Browser Extension ng Trust Wallet, kakailanganin mong siguraduhin na naka-install ito sa web browser ng computer mo.
Para i-install ang extension, pumunta sa trustwallet.com/download 183 at piliin ang opsyong Trust Wallet Extension. Dadalhin ka nito sa Google Chrome Store kung saan mo puwedeng i-install ang extension sa iyong web browser.
Pro tip: I-pin ang extension sa window ng iyong browser para madali mo itong ma-access
Kapag naka-install na ito, siguraduhing i-pin ang Trust Wallet Extension sa menu ng extension ng iyong browser para madali mo itong mahanap kahit kailan. Ganito kung paano:
Hakbang 1: Una, i-click ang icon ng extension gaya ng ipinapakita sa ibaba
Hakbang 2: Pagkatapos, kapag lumabas ang window ng extension, mag-click sa icon na pin sa tabi ng Trust Wallet.
Paggawa ng bagong wallet
Una, siguraduhing na-install mo ang extension 183.
Kapag na-install mo na ang extension, ganito gumawa ng bagong wallet:
Hakbang 1: Buksan ang Browser Extension ng Trust Wallet at piliin ang “Gumawa ng bagong wallet.”
Hakbang 2: Magtakda ng password, sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pagkatapos ay i-click ang “Magpatuloy.”
Hakbang 3: Suriin ang impormasyon sa safe screen na “I-back Up ang Iyong Secret Phrase” at i-click ang “Magsimula.”
Hakbang 4: Suriin ang impormasyon sa screen na “Iyong Secret Phrase” at i-click ang “Nakuha ko.”
Hakbang 5: I-save ang iyong seed phrase sa secure na lokasyon. Hinihikayat ka naming isulat ito.
Hakbang 6: I-click ang button na “Magpatuloy.”
Hakbang 7: Kumpirmahin ang iyong seed phrase sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa tamang pagkakasunod-sunod, pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
Handa na ang iyong wallet!
Pagpopondo sa Iyong Wallet
Pagtanggap ng crypto
Puwede kang makatanggap ng crypto mula sa mga kamag-anak, kaibigan, sa iyong account sa palitan, o kahit sino pang pagbabahagian mo ng iyong mga detalye sa pagdeposito. Ganito kunin ang iyong mga detalye sa pagdeposito at makatanggap ng crypto gamit ang Browser Extension ng Trust Wallet.
Hakbang 1: Mula sa pangunahing page ng wallet, piliin ang button na “Tumanggap,” mula sa pangunahing page ng wallet.
Hakbang 2: Piliin ang asset na gusto mong matanggap
Hakbang 3: Ibahagi ang iyong address ng pagdeposito o QR code para makatanggap ng mga pondo mula sa isang kaibigan, o gamitin ang address sa isang palitan o iba pang wallet na pagmamay-ari mo para magpadala ng mga pondo sa iyong wallet.
Pagpapadala ng crypto mula sa Browser Extension ng Trust Wallet
Pagpapadala ng crypto
Magpadala ng crypto sa mga kamag-anak, kaibigan, sa iyong account sa palitan, o kahit sino pang gusto mo gamit ang mga tagubiling ito.
Hakbang 1: Mula sa pangunahing page ng wallet, piliin ang button na “Magpadala,” mula sa pangunahing page ng wallet.
Hakbang 2: Piliin ang asset na gusto mong ipadala
Hakbang 3: Ilagay ang address ng Tatanggap na gusto mong padalhan ng asset, piliin ang halagang ipapadala, at pagkatapos ay piliin ang button na “I-preview”
Hakbang 4: Piliin ang “Kumpirmahin.”
Tandaan: Ang ilang asset ay puwedeng mangailangan ng “memo” bilang bahagi ng mga detalye ng tatanggap. Laging siguraduhing tingnan kung ano ang mga detalyeng kailangan mo para ligtas na makapagpadala ng crypto mula sa iyong wallet.
Paano Mag-access ng mga dApp Gamit ang Trust Wallet Extension
Gamit ang Browser Extension ng Trust Wallet, secure kang makakakonekta sa libo-libong Web3 decentralized application (dApp).
Ganito kung paano:
Hakbang 1: Pumunta sa website ng application na gusto mong i-access, hanapin ang button na “Ikonekta ang Wallet” at i-click ito. Kung minsan, “Kumonekta” lang o katulad nito ang tawag sa button na Ikonekta ang Wallet.
Kapag na-click mo ang button na Ikonekta ang Wallet, puwedeng lumabas ang isa sa tatlong opsyong ito sa pagkonekta: 1) Trust Wallet, 2) WalletConnect, o 3) ang Injected o Browser wallet icon. Ganito posibleng lumabas ang mga opsyon.
Hakbang 3: Mag-click sa icon ng “Trust Wallet” para kumonekta, o gamitin ang “WalletConnect,” “Injected,” o “Browser wallet” para kumonekta kung hindi mo nakikita ang Trust Wallet.
Hakbang 4: Kung hihilingin, magbigay ng pahintulot sa dApp para Kumonekta sa iyong Trust Wallet sa pamamagitan ng pag-click sa button na “Kumonekta.”
Malalaman mong nakakonekta ka sa dApp kapag nakita mo ang pangalan ng blockchain at dApp sa kaliwang sulok sa itaas ng Browser Extension ng Trust Wallet
Iyon na! Mag-enjoy sa pag-explore sa dApp pati na rin sa libo-libo pang available sa iyo sa pamamagitan ng Browser Extension ng Trust Wallet.
Pagpapanatiling ligtas ng iyong secret phrase
Kapag gumagamit ng desentralisadong self-custody wallet gaya ng Trust Wallet mobile app o Browser Extension ng Trust Wallet, napakahalagang ligtas mong i-store at i-secure ang iyong secret phrase.
Ang iyong secret phrase ay ang susi sa crypto wallet, at sinumang may access dito ay magkakaroon din ng access sa mga asset sa loob ng iyong wallet.
Hinihikayat ka naming suriin ang mga tip na ito para mapanatiling secure ang secret phrase ng iyong wallet 25.
I-lock ang iyong wallet kapag hindi ito ginagamit
Dagdag pa sa ligtas na pag-store at pag-secure ng iyong secret phrase, lubos ka naming hinihikayat na i-lock ang iyong wallet kapag hindi ito ginagamit, o kapag lumayo ka sa computer mo. Ganito i-lock ang iyong wallet:
Hakbang 1: I-click ang opsyong “Mga Setting” sa kanang sulok sa ibaba.
Hakbang 2: I-click ang simbolong “Lock” sa ibaba ng window ng Mga Setting.
May mga tanong ka ba tungkol sa Browser Extension ng Trust Wallet?
Kung mayroon ka pang mga tanong na hindi nasagot sa gabay na ito, mayroon kaming komprehensibong seksyon ng FAQ (Frequently Asked Questions o Mga Madalas Itanong) na maa-access mo ngayon.
Makatanggap ng mga update tungkol sa Trust Wallet sa pamamagitan ng pagsali sa Filipino community channels:
Twitter: https://twitter.com/trustwallet_fil?lang=en
Telegram: Telegram: Contact @TrustWalletFilipino